LIN: VI

232 16 0
                                    

Chapter VI:"ANG SCHOOL PLAY AY HINDI ISANG LARO" part II

Isang nakakapangilabot na araw naman po ang inyong nadatnan sa aking istorya. Huwag mong isipin na isa itong labstory! Dahil si POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES ay mananatiling single! Tenenenewt. Umepal lang po ang inyong lingkod

-sspinknow

Tsupi, tsupi.

Ehem ehem, ako nga pala si LIN.

Bago ako pumasok sa school, nakaingkwentro ko ang isang Espiritu sa tulay.

Marahil sya ay isa sa mga ligaw na espiritu na pagala-gala lamang sa ating daigdig. Napakalaki ng kanyang problema.

Pasalamat sya dahil walang mental hospital na para sa mga multo at espiritung kagaya nya.

Sinabi nya pa na magkikita kaming muli? Haha.

Kailangan ko na ng bawang holy water at dalasan pa ang pagsimba. Haaaaaaaaaaaaay ang sakit sa bungo isipin, pero kailangan ko ng magmadali. Nasa may Climax na ko ng book na binabasa ko.

Sa school=========

"Liiiiiiiiiiiiiiin!?"

Kung makasigaw wagas!? Ang sarap nyang tapalan ng duct tape.

"Sunog? SUNOOOOOG!!"

"Huminahon ka walang sunog. Ang OA ha?"

Ikaw kaya ang nauna?

"Eh kasi naman kung makasigaw ka. Naku. Oh, anu ba 'yon ha? May kailangan ka ba? Bibili sana ako ng kape.

"Tignan mo kasi yan oh!!"

Yung pader?

"Oh! Pader!!"

"HINDI YAN!! Yung nakapost."

" Ah. Yung BOND PAPER?"

"hayy. Oo nga!"

"HABULIN MO KO BABAENG LUMPO!! BILIS!! anung klaseng title yan?"

"Ah hindi naman yun yung title ee."

"Nakakatamad kasing basahin e, ayun! MAKIKITA MO RIN ANG HINAHANAP MO BULAAAAAG!" 

"Waaaah nakakainis ka."

"Oo na, oo na.. Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-araw the audition. Oh eh ano naman?"

"Sali tayo?"

"Ayoko."

"Sige na."

"Ayokooooo."

Dumating si Harvey.

"Ah, Hi miss Lin! Sasali ka ba sa audition?"

"Teka? Sino ka nga ba ulit?"

"Hi Harvey, ah. Pinipilit ko pa kasi si Lin na sumali e."

"Ah, you're Zel right? Sorry ah, di kita masyadong naalala maybe because of that hair style. Very common."

"Ganito kasi yung uso ee."

Sige usap lang kayo busy ako.

"Yeah kaya naalala ko agad si Miss Lin, kase sya nalang ang nagtitirintas ngayon."

"Ah, ikaw yung sa kape!"

"Haha yeah ako nga."

"So? Harvey? Mag aaudition ka ba?"

"Actually pinili na nila ako agad, kahit hindi pa ko nag aauditon. I don't know why. Hindi pa naman ako magaling sa theatro."

Pahumble pa si kuya, ang sarap itulak sa bangin.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon