Chapter IX: "HINDI KA NABUHAY PARA ALAMIN ANG LAHAT"
Woops.
Hi ebribadi, my name is Polinda Delos Santos Delos Reyes!
At ako ay nagsasawa na sa kakaganito ko. Introduction ng introduction, pakilala ng pakilala ewan! Kabagot na minsan.
Eh? Ano nga bang nangyari nung wala ako? Wala lang? Ok.
Minsan hindi na tayo makaisip ng sasabihin, na kahit walang kakwenta kwenta--nasasabi nalang natin. Kagaya nito?
Walang kakwentakwentang usapan, pero binabasa mo parin. Siraulo ka ba ha? Anong sinasabi mong Idol mo ko? Hindi ako artista! At ang Love is Nothing ay isang Nobela na para sa mga BITTER mga ampalaya! KAPE!
Teka? Mainit yata ang ulo ko ngayon, pero hindi nman ako kumain ng taba. Anyway, naaalala ko tuloy nung highschool ako. Ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa ako sa teacher ko.
Yung classmate ko kasi parang tungaw. Sinasaulo nya na yata lahat ng depinisyon sa mga aklat para lang masagot lahat ng katanungan ng teacher ko--hanggang sa tinanong sya ni HILDA.
"Kapag iisa nalang ang pagkain sa la mesa, at isa lang ang pwedeng kumain, kanino mo ibibigay ang pagkain? Sa nanay mo o sa tatay mo?" nagtahimikan kami lahat, pero yung classmate ko FEELER, akala nya matalino sya. Tungaw tlga, ang sinagot ba naman nya. "Edi sa nanay ko!"
Tahimik padin akong nakinig sa mga pangyayari hanggang ang nasabi nalang ni HILDA. "HAHHAHAHAHAHAH" Oo, tumawa sya na parang nasisiraan ng ulo!
Yung itsurang iiyak na sa kakatawa? Samantalang kami ay natatawa na sa itsura nya. Nagsalubong ang kilay ng classmate kong feeler, nagtaka sya at tinanong "anong nakakatawa?" Nahinto ang ilan sa amin sa pagtawa. Umaalog pa ang balikat ng ilan. Bumuga ng malalim na hinininga si Hilda. Well, pinaupo nalang sya.
Hindi ko parin nakuha kung bakit nya ginawa yon. Iniisip ko parin 'yon nung panahon na 'yon. Sa kalagitnaan ng discussion, nagjojoke padin si Hilda. "Anong tunay na palaman ng hamburger? Ham o Burger? Sino mas malakas? Si Superman o si Batman? Ano nga ba ang tunay na sagot sa nakakabaliw na tanong ng isang commercial, Gatas na Choco o Choco na gatas?"
Nakakabaliw ang mga tanong nya, hindi ko alam kung paano sya magiging seryoso sa aspetong ito--hanggang sa nagtanong ulit sya "Kung hindi mo alam kung kailan ka mamamatay, BAKIT HINDI PA NGAYON?"
Umugong ang buong clase sa tanong nyang iyon, nagkaroon ng ibat ibang sagot ay may mga nagpapaliwanag pa. Hanggang sa nasabi nya nalang.
"Sabi nila magbasa daw tayo ng libro para matuto tayo, pumasok sa school para mag-aral. Eh bakit may mga simpleng tanong na hindi natin masagot? Masyado tayong naniniwala sa mga EKSPERTO DAW KUNO dahil tayo yung mga tao na palagi din namang nagtatanong. Bakit nga ba tayo nagtatanong? Dahil wala tayong alam? O gusto lang din natin na malaman kung sino ang MAS MAY NALALAMAN sa atin? Kahit itanong mo sa mga pinakamatalinong tao kung sino ang mas mauuna sating mamatay, walang makakasagot. Dahil HINDI KA NABUHAY PARA ALAMIN ANG LAHAT"
Isang araw nanaman ang lumipas syempre practice parin, hinatid nga pala ko ni Dan dahil Ginabi na ko ng pag uwi sa practice, mabuti hindi sumama yung espiritu ng tulay. Napaka kulit talaga nya, pero syempre papasok na ulit sa school kaya tamang lakad-lakad at sight seeing ng makita ko si Manong Pido.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...