LIN2: VII

80 10 0
                                    

Chapter VII: "ANG FASTFOOD AY HINDI FAST" part 2

Kahit nasa loob ka nang isang fastfood chain, okay lang na magwala ka. Kagaya nalang ng ginawa ni Lobo. Di naman sya nanakit, nanakot lang. Wala naman sa rules ng fastfood chain na bawal manakot. Wala ding rule na nagsasabing hindi ka pwedeng mag-uwi ng gamit bilang souvenir. Pwedeng pwede mong isilid ang baso, kutsara, pinggan, number stand at tray.

Nandito din ang realization na ang fastfood ay fast talaga, fast kainin. Patolang hubad naman oh!

Kinuha 'ko 'yung mahiwagang phone 'ko na hindi nawawalan ng load. Dinial ang number ni Hunter. Kailangan ko ng kausap. Kahit hindi nya sinasagot ang tawag ko, marinig ko lang ang answering machine solve na 'ko.

Mukhang napansin yata ako ni Ram. Pero nevermind, tuloy ang pagtawag ko.

Spencer: hey girl? Are you calling 'your boyfriend? I bet I'm hotter.

Tss, di ko nalang sya pinansin. Tamang pindot ng call button at tapat sa tenga ko.

Your current balance is zero-peso in your accout. Please reload a new call and text card imm--toot

Loko 'yata 'tong operator na 'to? Hindi nga ako nawawalan ng load diba? Tapos sasabihin nya zero na? Ang alam ko nakaline 'tong number 'ko kaya imposibleng--

Dice: Pauline? Okay ka lang?

Spencer: yah, Dice? She's not okay. I guessed her boyfriend cheated on her. That's why her face became very ugly. Poor girl.

Maintain your pokerface Lin. Wag mong papatulan 'yang manggang 'yan. May araw din 'yan sayo. Isipin mo nalang na may kaaway kang Hunter na mejo mahaba ang baba este mababa ang level.

Ram: wala ka nang load noh?

Bulong sakin ni Ram. May kinapa sya sa bulsa nya. Malamang ipapahiram nya sakin ang cellphone nya. Inilapag nya sa lamesa ang malaking phone na parang panghasa ng kutsilyo sa lapad at may nakadrawing pa na mansanas.

Ram: gamitin mo pantawag.

Sabi nya sabay smile. Naks, okay talaga 'tong si Lolo Ram. Hahawakan ko palang 'yung phone--

Spencer: yah, four-eyed Gramps. Why are you lending her your phone? That's not good. Her boyfriend would think of something else. Surely.

Dice: gege? Buy me this? I want this? o(╯□╰)o

Spencer: ugh, I almost forgot. Okay just wait here. -_-||

Saved by Lobo. Tumingin naman sakin si Lobo at nagsmirk. ツ

Ram: oh tawag na? Anu pang hinihintay mo?

Lin: pano ba gamitin 'to? Hindi ako marunong. ( ̄﹏ ̄)

Tinatawanan nanaman ako ni Lobo. Tuwang-tuwa kasi sya sa mga sablay moves ko eh. (╰_╯)#

Ram: ako nalang tatawag. (-_-)

Seryoso naman muka ni lolo Ram. May pinindot sya tapos tinapat nya sa tenga ko.

The subscriber cannot be reac--

Di ko na tinapos. Pati ba naman answering machine nya nawala na. Inabot ko na ang phone kay Ram. Nginitian 'ko lang sya. Baka kasi mag-alala nanaman sya kapag nag-iba ang timpla ng muka 'ko.

Ram: Hintayin mo lang Lilin, hindi pa oras.

Napatingin naman ako sa kanya. Anong ibig sabihin ni Ram?

Lin: ibig sabihin ba 'non idial ko ulit?

Dice: haha di nya talaga makukuha 'yon labo! Ang labo mo kasi.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon