CHAPTER 12: "BAGONG TAON AY MAGBAGONG BUHAY"
-----------
"Friendships multiply joys and divide griefs"
--Henry George Bohn-----------
Nasa labas na kami ng bahay at inaabangan ang fireworks ng kapitbahay.
Kami palang ni Tay Pido ang nakatambay. Nasa loob pa kasi ng bahay 'yung mga gays na 'yun. May man to man talk daw silang gagawin.
Nagkibit balikat nalang ako.
Sa darating na taon, sana sama-sama padin kami. Kahit puro kalokohan, okay lang. Kahit madaming pagsubok, sana malagpasan namin ng maayos.
Walang dumadaan na tricycle sa pavement.
Dapat talaga magtatago na ko sa kwarto dahil ang bagong taon ang pinakaayaw kong araw.
Sabi nga ni Spencer, this is not my style.
Lumalakas ang tibok ng puso ko sa fireworks. Aaminin ko na, may heart disease ako.
Ako, ang foster parents ko, si Alden at si ate Rosalinda ang nakakaalam.
Noon pa man, binalak ko nang mag-isa.
Itong buhay ko kasi, wala namang kasiguraduhan.
Para saan pa kung gagawa ako ng ala-ala kung mawawala din naman agad ako na parang paputok na goodbye philippines?
Akala ko dati makakasurvive ako kapag tinulak ko papalayo ang mga tao sa paligid ko. Simple lang naman ang dahilan, para hindi sila masaktan----para hindi KO sila masaktan at para hindi AKO masaktan.
Bata palang, tanggap ko na.
Wala akong pinagsabihan. Kasi paksyet lang.
At ang rason kung bakit ako nahimatay nung namatay si Alden ay hindi dahil sa fatigue. Kundi dahil inatake ako. Tumalikod lang ako kay Tay Pido nun para di nya makitang nakahawak ako sa dibdib ko.
Si Ate Rosalinda nadin siguro ang nakipag-usap dun sa doktor sa ospital.
O.A. lang 'yung nababalitaan na weak kaming mga may heart disease. Nasa lifestyle lang 'yan.
Bata palang ako may exercise routine ako kaya medyo malakas ang endurance ko.
Kaya siguro hanggang ngayon, buhay pa 'ko.
Tay Pido: bata!? Ang lalim yata ng iniisip natin ah!?
Lin: hindi ko alam Tay Pido. Kanina pa 'ko ninenerbyos.
Tay Pido: ay alamang! Kape pa more!?
Lin: di na nga ako nagkakape Tay Pido eh.
Tay Pido: Wateber bata. Tatawagin ko lang 'yung mga babae sa loob. Alam muna, baka naglalandian pa. Kukuha nadin ako ng jacket kasi malamig.
Pumasok na sya sa bahay. Habang ako, heto. Tambay at ninenerbyos.
Taena, hindi talaga ako mapakali.
Nahilig narin ako sa pagbasa ng fiction gawa ni Ram eh kaya kung anu-ano nalang ang naiimagine ko petengene.
Tumingin ako sa paligid. Malamang madilim, sira kasi 'yung pailaw nung meralco.
Kasabay din nito ang pag-ihip ng malamig na hangin.
Napayakap ako sa braso ko.
Nakarinig ako ng yabag mula sa may likod ko. Taena di naman ako matatakutin pero bakit malma 'tong nerbyos ko ngayon?
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...