UPDATE: JUNE. 20. 15
Chapter 19: "Masyadong Cliche Ang Arranged Marriage"
Kadalasan, ang mga pinapabasa sa'king nobela ni Ram ay halos pare-pareho ng nilalaman. Kesyo mayaman si lalaki at gwapoㅡ tapos kunyare sa umpisa hindi sya ang tipo ni babae at di kalaunan ay malalaman nila na sila ang haharap sa dambana upang mag isang dibdib kahit ayaw nila. Di maglalaon ay magkakagustuhan sila and poof! It became cococrunch happy ending na.
Wala naman akong sinabi na galit ako sa happy ending at member ako ng WTF na akala nyo ay watdapak pero ang ibig sabihin ay Wala Talagang Forever.
Naniniwala din naman ako pero 'yung version ni itay ang pinaniniwalaan ko. Wala mang forever, mayr'on namang eternity. Wala man silang happy ending ng nanay ko, umaasa parin sya na magtatagpo ulit sila. Wagas ang pagmamahal nya kay inay kahit maraming beses nang sinubok ang katatagan nya.
Nawala man daw si nanay sa lupa, nand'on naman daw sya sa langit at pinagmamasdan kami.
Tuwing pinupuntahan namin ang puntod ni nanay ay hindi nya ito kinakalimutan na kausapin. Sinasabi nya kung gaano nya ito kamahal at dapat daw hintayin sya sa langit upang punan ang pagiging ama nya.
Nasabi noon ni tatay na kung hindi nya nakilala si nanay ay baka kagaya nalang daw sya ng iba na pinagkasundo dahil sa mundo ng negosyo.
"Yung iba, may foreverㅡ yung iba wala. Nasa sa'yo 'yan kung maniniwala kang mayr'on. Lifetime ang patunay na walang forever, bible naman ang patunay na may eternity. Faith and hope matters."
Bahala na si tatay sa usaping poreber. Matanda na sya at maraming alam.
Tito Ethan: Endy, kapag wala ng choice si Lin sa usaping pag aasawa, ipapakasal ko sa kanya ang anak ko. Eventhough Lin was 5 years older.
Tatay: my daughter will not marry your son Ethan. Eventhough I like King Ethos for Lin, I still want her to make her own choices and decide for her own.
Tito Ethan: I'm not forcing her though, I can't control my son anymore. I just want him to feel that there is someone who will reject him.
Tito Chad: Si Bobby ko naman bading yata. Nakakaiyak pre, hanggang ngayon, wala pang pinapakilalang girlfriend.
Tito Yvo: si Yves ko napabarkada kay King Ethos kaya ayan, babae here, babae there, babae everywhere. At Chad, hindi ako naniniwalang bading ang anak mo. Best friend daw nyan si King Ethos at yung anak nung pinsan mong Aboitiz, conservative and gentleman daw ang anak mo.
Hindi na nila naalintana na kanina pa kami nakatanghod sa kanila.
Tatay: nak, nandyan ka na pala. Hindi ka naman umiimik.
Ngumiting tipid lang ako. Halatang nakainom na si tatay. Nakwento nya kasi saakin dati na katropa nya ang mga kasama nya ngayon simula palang nung mga nakalampin pa daw sila. Naningkit ang mata nya sa kasama ko.
Tatay: height palang, talo na si Ram. Sino naman 'yang kasama mo nak?
Magsasalita palang ako pero sya na ang umimik.
Dice: I'm Dicezel Flores. Lin's potential suitor. Nice to meet you sir.
Nakipagkamay pa sya kay tatay. Tumango pa sya ng paulit-ulit.
Tatay: have a seat.
Tito Yvo: oh, isang Flores. One of Spain's Titans. Are you his son?
Dice: no. But if you're talking about Don R.E. Flores then I must say that I'm one of his nephews.
Tito Chad: Bingo! Buhay pa pala si Kuya R.E. By the way, I'm Richardo Ty, the one with the apple haircut is King Ethan Consunji, the one with the mole under his lips was Yvo Tan and finally, the one who possesses cold eyes and the damsel's fatherㅡ Erickson Endymion Rivera.
Dice: Nice to meet you all gentlemen. Seeing all of you here is giving me so much pleasure.
Tito Ethan: The pleasure is ours kid. Nandito ba sa Pilipinas 'yung anak nya?
Dice nods. OP na 'ko dito. Nanahimik naman si Tatay. Sila Tito na ang nag iinterview kay Dice. Ito namang si Lobo, tila nag eenjoy.
ㅡ
Dice: thanks for inviting me here Paulin. I had fun.
Lin: aish, hinayaan mo naman na pagtripan ka ng mga tito ko.
Dice: its okay, at least I know where did you get your traits. You're like a girl version of your father. What's more intriguing was the fact that you've been separated from him for a very long time.18 years is not a joke.
Lin: pati tuloy 'yun alam mo. Hmm, sige naㅡ ingat ka sa pagd-drive.
Ginulo nya muna ang buhok ko at ngumiti papunta sa kotse nyang kulay pulang Ferrari. Ito 'yung sasakyan na gustong-gusto ni Boy kaya alam ko ang tawag. Kumaway muna sya bago tuluyang pinaandar ang kotse.
Kumalam ang sikmura ko kaya naglakad muna ako papunta sa 7/111. Medyo malayo kaya inabot na ko ng syam syam. Nagpakabusog ako sa siopao. Pagkalabas ko ay namataan ko ang isang toreㅡ kapre pala. Agad ko syang nilapitan at kinulbit.
Spencer: robogirl!? What are you doing here!?
Lin: kumain.
Spencer: Tss, let me take you to your house. My car was parked at the other side. We need to cross the street.
Lin: bawal pang tumawid. Yung stop light oh!
Tinuro ko pa 'yung stop light.
Spencer: I know, I'm not dumb.
Habang naghihintay sa pagtawid, pinanood ko nalang ang mabilis na pagtakbo ng mga sasakyan. Susulyapan ko ang ilaw at ang kalsada hanggang sa maituon ko ang aking paningin sa kabilang dako. May isang lalaki na nakatayo at tila malalim ang pagtitig sa isang bagay. Hindi ko namalayan, tumatawid na pala ako ng kalsada. Tila hinihigit ang mga paa ko sa kabilang dako. Nagsimula narin na magtubig ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Bumalik na sya.
Lin: KENKEN!
Sigaw ko ng pagkalakas.
"LIN! WATCH OUT!"
Biglang may humatak sakin at ipinulupot ang bisig sa katawan ko. Daglian akong napapikit. Dinig na dinig ko ang malakas na lagabag at ang paggulong ko kasama ng yumakap sakin hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak namin. Mahapdi ang mga mata ko ngunit pinilit ko paring imulat. Nasa ibabaw ako ng yumakap sakin.
Spencer: Are you okay Lin!?
Nanghihinang tanong nya. Naguguluhan ako dahil putok ang labi nya at ang dami nyang gasgas sa muka. Naramdaman ko ang pagkirot ng braso ko. Hindi ko ito ininda. Nagtataka padin ako sa nangyari. Umiling lang ako habang titig na titig sa kakaiba nyang itsura.
Spencer: g-good
Pagkatapos nyang magsalita ay napapikit sya. Kasabay naman nito ang pag-agos ng pulang likido sa ulo nya.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...