LIN2: V

84 10 4
                                    

Chapter V: "MAS MATAGAL ANG COMMERCIAL KAYSA PALABAS" part 5

Kamusta kayo? Ako nga pala si Ramuel Flores, mas kilala sa pangalang Ram.

Inabot na ng part 5 ang the past chronicles ko, malamang ito na ang huli. Masyado nang mahaba ang exposure ko sa nobelang hindi naman talaga ako ang bida.

Dali-dali akong umalis sa pwesto ko, tumakbo sa kawalan na parang baliw hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan kami huling nagkita.

BGM-- GONE BY JIN

In that space where memories linger

Still as warm on my fingertips

You are here, here

Your scent, your face

Sa lugar kung saan kami huling nagkita. Ramdam ko parin ang presensya nya. Ang sulat na halos malamutak ko na dahil sa pagtakbo ko ay hawak ko padin.

Please, look at me, look at me, look at me

I can feel you, like this, feel you, feel you

Struggling to catch your expressions

Struggling to catch your smiles

Sa mga ngiti mo na kahit kailan, hindi ko na masisilayan. Ang boses mo na hindi ko na maririnig. At ang damdamin ko para sayo na kahit kailan hindi mo na malalaman pa.

You, who I struggled to understand

In the place where we were together

In the moment where I resembled you

Sinimulan kong basahin ang sulat. Inuna ko ang sulat mo kay Lilin.

Mahal kong Lin,

       Siguro, nagtataka ka kung bakit ako sumulat sayo. Pasensya ka na, hindi ko kayang sabihin 'to ng personal. Nadidiri ako sa sarili ko. Nahihiya ako dahil kahit Kuya ko, walang alam sa mga pangyayari.

      Lin, hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko. Pero gusto ko syang makita. Siguro kagaya din sya ni Kuya. Aalagaan ako at hindi ako sasaktan. Nakakapagod na Lin, pero dahil mahal ko ang Kuya ko, nangako ako na hindi ko sya iiwan.

     Rapist ang boyfriend ng nanay ko ngayon. Sinasaktan nya ko kapag hindi ko sinusunod ang gusto nya. Papatayin nya daw ako kapag sinumbong ko sya sa nanay ko. Papatayin nya rin ang kapatid ko kapag nagsumbong ako sa iba.

     Ipapakiusap ko narin sana na huwag itong malaman ng kuya ko. Hindi man kayo magkakilala ngayon pero sa mga susunod na panahon, wag mo sanang kalimutan na lihim natin 'to.

     Lin, tulungan mo 'ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam ang mangyayari kapag nalaman nyang sumulat ako sayo. Patawarin mo 'ko Lin. Ayaw kitang idamay pero ito nalang ang naisip kong paraan. Sorry Lin pero sana matulungan mo 'ko.

Erlene.

When it felt too good being soaked in the rain

You are gone, gone

How am I supposed to erase you alone and live

In those moments where we once walked together

Hindi totoo na nagpakamatay ka. Hindi rin totoo na nabaliw ka. At lalong hindi totoo na maayos ang kalagayan mo.

Kasabay ng pagbagsak ng ulan, ang pagpatak ng luha ko, ang paggunita sa mga ala-ala saking isipan.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon