Chapter 20: "Maybe... Or Maybe Not"
Nilapatan ako ng first aid ng mga nurse at doktor na tumingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit humahapdi at makati ang mga mata 'ko. Tumakbo ako papuntang emergency room kung saan dinala si Spencer. Nagpabalik-balik ako. Wala paring nakakaalam sa pangyayari. Hindi ko rin alam kung saan tumalsik ang cellphone ko. Umupo ako sa mga nakahilerang steel bench.
Ilang sandali pa ay may tumatakbo papalapit sa pinto ng ER. Nagpalakad-lakad din sya at tumulo ang kanyang luha. Ilang beses din syang nagmura at di mapakali sa kanyang pwesto. May dumating na mga lalaki at dinaluhan sya. Napatingin ako sa isa sa kanila na di naglaon ay nakatama ko ng paningin.
"You're Polinda?" Kumunot ang noo ko sa lalaking nagsalita. "Why are you here?"
Lin: k-kasama 'ko sya-
Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng sinampal ako ng babae. "How dare you!? Ikaw nanaman!? Ang kapal ng muka mo!"
Hindi ko sya maintindihan. Nanahimik nalang ako at pinakinggan ang hinaing nya. "Kinuha mo na nga si Miguel, pati ba naman si Gabriel kukunin mo pa?" Niyugyog nya ako. Pinigilan sya ng mga kasama nya at nanatili lang ako na nakaupo.
Napahawak na 'ko sa mata ko. Makati talaga sya, nagsimula rin itong kumirot. Napaluha na ko hindi dahil sa mga sinasabi nya kundi sa mata ko. "Ikaw lagi ang rason! Layuan mo ang pamilya namin!" Tinutulak nya pa ako.
Lin: hindi ako aalis dito.
"Umalis ka na! Dahil hindi ko alam ang magagawa ko sayo kapag nanatili ka pa dito!" Hindi ako gumalaw ngunit hinatak nya na ako. Kinaladkad papalabas ng ospital. Kung anu-ano pang dahilan ang mga sinabi nya. Galit na galit sya. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Napangiwi nalang ako at lumakad papalayo. Kailangan 'kong pakalmahin ang sarili ko.
Umuwi ako sa bahay at nagdiretso sa kwarto ko. Napansin kong dumidilim na ang paligid ko. Kinusot ko pa ulit ang aking mata ngunit lalong dumilim ang paligid. Wari ko'y pagod lang ako. Nakakapagod ang nangyari. Sana lang hindi malaman ni Tatay. Ayaw kong mag-alala pa sya saakin.
Kinaumagahan, hindi agad ako bumangon. Alam 'kong mulat na 'ko ngunit wala akong maaninag na kahit ano. Unti-unti kong nakikita ang kisame, hudyat upang ako ay bumangon.
Habang pababa ako ng hagdan ay nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo. Tumingin ako sa dulo at nakita si Tatay na nakaabang sakin.
Tatay: late ka ng umuwi kagabi. Hindi ka rin inihatid ni Dicezel dito. May nangyari ba?
Diretso lang na nakatitig sakin si Tatay. Tila, hinihintay nya akong sumagot. Umiling ako at nagtuloy-tuloy pababa.
Tatay: bakit may mga gasgas ka at pasa sa muka? May ginawa ba sya sayo?
Kumunot ang noo ni Tatay.
Lin: wala po 'tay. Kain na po tayo.
Sumabay din samin na kumain si Kuya Erl. Ganon din ang tinanong nya kaya napatawa si Tatay.
Lin: kuya, pareho pa kayo ng tinanong ni tatay.
Erl: kasi pareho kaming gwapo.
Nanahimik nalang ako. Ayoko syang barahin ngayon dahil wala ako sa mood. Kailangan na makapunta ako sa ospital. Kailangang malaman ko ang kalagayan ni Spencer.
Nang makaalis ako ng bahay, agad akong nagtungo sa ospital. Hindi pa ako nakakapasok ng may humatak sa braso ko.
Dice: what are you doing here Pauline?
Nag-iwas agad ako ng tingin.
Dice: where did you get those bruises?
Hindi parin ako sumagot.
Lin: ikaw? Anong ginagawa mo dito?
Dice: I heard about Spencer-ge.
Lin: sasama ako sayo.
Tumango si Dice at dumiretso kami sa kwarto. Wala na sya sa ER. Kumatok si Dice at pinagbuksan sya ng lalaki na hindi namin kilala. Nakapang nurse outfit si Dice at hindi ko alam ang trip nya. "May nurse na dito kanina...meron nanaman?" Tanong nung babae.
Nagulat sya ng magtama ang paningin namin. "Why are you her-"
Dice: we're friends with Spencer-gege.
"Friend? Spencer has no friends"
Dice: I hate to break it to you but we're his friends.
"She's not welcome here"
Malamig na utas ng babae. Nagsalita pa sya ng Chinese sa mga kasama nya. Wala akong naintindihan pero nagulat ako ng magsalita rin si Dice ng Chinese. Saglit silang natigilan.
Dice: come on Pauline. We're not welcome here.
Isinama nya ako sa isang kwarto don. May mga nurse din kaming nakasalubong na tinatanguan o binabati sya. Ganun din ang mga doctor. Tinignan nya ang mga gasgas ko.
Dice: you're with him that time. Are you really okay? I'm fucking pissed but I need to know your health status.
Lin: teka lang. Bakit nakapang nurse ka? Tyaka bakit parang kilala ka dito?
Dice: my family owns this hospital. I am a nurse.
Lin: nurse ka na pala eh bakit ka pa nag-aaral.
Dice: self-satisfaction I guess. Let's go to school together. Spencer-gege will be fine. Don't worry about him.
Kinausap lang ako ni Dice sa kotse hanggang sa makarating kami sa school. Nagkahiwalay lang kami ng oras na ng clase.
Delusyon ko lang ba na nakita kita? Kenken?
Pagkalabas ko ng classroom ay napuna ko ang kumpulan ng kababaihan. Kung hindi suplado sina Spencer at Dicezel ay malamang araw-araw namiminaknak ng mga jologs sa harap ko palagi. Hindi ko na alam kung ano ang pinagkukumpulan nila, lumagpas ako.
"Lin!?" Nilingon ko ang pamilyar na boses. Si Dan. Sya 'yung pinagkukumpulan ng mga jologs. Nakatupi sa may siko nya ang dulo ng longsleeves na kulay blue. Wala syang suot na salamin. Medyo magulo ang kanyang buhok ngunit bumagay ito sa kanya. Nakasuot din sya ng ripped jeans. Gwapo. Takte, kaya pala sya pinagkaguluhan. Hiningal sya ng konti dahil tinakbo nya ang distansya namin.
Lin: Doctor...bakit?
Dan: hindi kita macontact.
Lumapit sya akin hinaplos nya ang pisngi ko.
Dan: are you alright? Bakit ang dami mong gasgas?
Tumango lang ako at inalis ang kamay nya sa pisngi ko.
Lin: bakit ka nga pala nandito?
Dan: sabi kasi ni Ram may party daw sa kanila. Nagmatch yung DNA nila ni Dr. Wilhelm.
Natigilan sya sa pagsasalita. He cupped my face.
Dan: you're not okay. Tell me, what's wrong?
Lin: nakita ko sya. He's alive...or maybe not
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...