UPDATE: 10. 25. 15
Chapter 23: "Too Much Love Can Kill You"
Kumusta mga kapatid na kawal! Ako nga pala si Heneral Antonio Luna. Papatawan ko na kayo ng Artikulo Uno dahil hindi kayo sumusunod sa aking kautusan!
Kahit anak ka pa ng presidente ng Pilipinas ay babarilin parin kita. Sinabi ko nang huwag mo nang basahin ang nobelang ito ngunit matigas talaga ang iyong bungo!
Rusca! Paputukan 'yan sa sentido!
Teka?
Masyado akong naapektuhan nang napanood ko na pelikula. Mabigat ang mensahe ngunit napakagaling ng mga bumuo ng isang makasaysayang obra!
Bago nga pala magkalimutan, nais kong ipakilala ang aking sarili.
Ako nga pala si Polinda Erliz Jade Lara Rivera.
Huwag na kayong magulat! Gustong gawin ni tatay na legal ang lahat.
Kaya naman, bago ako magmartsa ay inayos nya ang lahat ng aking papeles. Sinabi ko na huwag nyang alisin ang pangalan kong Polinda dahil simbolo ito nang paggalang sa mga taong kumupkop at nagpangalan sa'kin.
Allen: ate! Ayoko na! Natatakot na ko!
Erl: tangna Lin? Iba naman! Ayoko na ng horror!
Lin: tsk, hindi ko pa napapanood 'tong insidious 3
Allen: ate ayaku na...mahihimatay na yata ako sa takot.
Erl: nakakatakot daw 'yan! Wag 'yan! Kinikilabutan na 'ko.
Lin: mga kapatid, mayroon tayong mas dapat katakutan kaysa sa mga horror na palabas, at 'yon ay ang ating mga sarilㅡ
Erl: Allen? Batuhin mo nga 'yang ate mo ng ensaymada. Nagjojoke eh.
Lin: eh bakit ba kasi kayo umeepal? Ako lang naman ang mag-isang nanood dito tapos nakinood lang naman kayo. Ays, dapat talaga tinawagan ko nalang si Danㅡ hindi magrereklamo 'yon.
Erl: tsk, busy 'yon sa pagiging neurologist nya. Abusado ka.
Allen: sino 'yong Dan ate? Boyfriend mo?
Erl: hindi nya 'yun boyfriend.
Allen: eh sinong boyfriend ni ate?
Lin: si doughee.
Allen: nyek!
Erl: si Hunter ang boyfriend nyan.
Allen: Hunter? Sino 'yun? Akala ko nga si Kuya Dice 'yung boyfriend nya.
Erl: fling nya lang si Dice. Ganyan talaga kapag maganda. Maraming nagkakandarapa.
Lin: kuya, baka maniwala sa'yo ang kapatid ko at mahawa sa kalantudan mo.
ㅡ
Allen: ate? Kailangan ba talaga na pumunta tayo d'on.
Lin: kailangan 'yon para makamoveon na 'ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagbyahe papunta sa bahay namin na nasunog. Kailangan ko nang kalimutan ang lahat para mapatawad ko na rin ang sarili ko.
Ito na ang tamang panahon.
Lin: bibisitahin ko rin si 'tay Pido. Sya 'yung parang naging ama ko noon.
Nang makarating na kami ay sinabihan ko 'yung driver na tatawagan ko nalang sya kapag uuwi na kami.
Nanatiling tahimik si Allen. Hindi ako naging komportable sa pananahimik nya. Maaaring nagbukas ang lugar na ito ng masasakit na ala-ala ngunit kagaya ko, kailangan na nyang lumaya sa kalungkutan na hatid ng kahapon.
Walang maihahatid na maganda ang pagmumukmok sa mga bagay na nangyari na. Sa halip, gawin itong basehan upang maiwasan nang maulit.
Nang malapit na kami ay agad namang may humatak kay Allen.
Allen: ate! Tumakbo ka na!
Bago pa man ako makapagsalita, naramdaman ko na may bagay na humampas sa aking ulo, dahilan para mawalan ako ng malay.
ㅡ
Nagkaroon na ako ng malay ngunit wala naman akong makita. Ramdam ko ang mahigpit na piring sa aking mga mata at ang tali sa aking mga kamay at paa.
Nakasandal sa malamig na pader ang aking likod habang nakaupo ako sa magaspang na sahig.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa aking binti. Wari ko'y nabugbog ang katawan ko ng hindi ko namalayan.
Lin: Allen!
Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig.
Takte? Ano ba'ng nangyari sakin?
Lin: Allen!
Allen: Ate...
Kumalabog ang dibdib ko, hindi pwedeㅡ hindi ako dapat atakihin dito. Dapat kaming makatakas dito ni Allen, kailan lang kami nagkasama at napahamak pa sya.
Lin: Allen, wag kang mag-alala, makakatakas tayo dito...
Ginalaw ko ang aking mga kamay, hindi ko ininda ang sakit ngunit kahit gaano ako magpumiglas ay hindi parin naaalis ang tali.
Lin: Allen, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?
May naramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa aking noo. Wari ko'y isang uri ng armas na yari sa bakal...
Baril.
Napalunok ako at nanlamig ang aking katawan.
Allen: ayos lang ako ate.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nang hindi nasaktan si Allen.
Lin: sino ka? Ano ang bagay na nakatutok sa'kin? Bakit mo ginagawa 'to?
May kumalag sa aking pagkakapiring. Tila tinakasan ako ng dugo nang makita ko kung sino ang may hawak ng baril.
Allen: surprise ate!
Inalis nya ang pagkakatutok sa'kin ng baril. Tila may bumara sa'king lalamunan.
Allen: what's with that look ate?
Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga lalaki na tinututukan ako ng baril.
Tangna, kakapanood ko palang ng ambush, maheheneral Luna yata ako ng wala sa oras. Hindi ko pa nasasagot ang tanong na negosyo o kalayaan, bayan o sarili tapos ganito pala ang aking kahihinatnan?
Allen: lumabas na kayo, ako nang bahala dito. 'Yung dalawang daga? Nadispatya nyo na 'ba?
Tumango naman ang dalawa nyang kausap. Ibang-iba ang Allen na kaharap ko ngayon. Wala na ang kinang na natatanaw ko sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mga mata. Tanging blankong ekspresyon lamang ang pinapakita nya ngayon.
Allen: nagtetext ako sa'yo...bakit hindi mo sinasagot?
Text?
Allen: haha! Hindi nga pala ako nagpapakilala... Pero nagtagumpay naman ako diba? Isa-isa ka nilang iniwan. Isa-isa silang nawala. Ngayon...nasaan na sila?
Lin: Allen, hindi mo kailangang gawin 'to.
Allen: you killed my parents, lintik lang ang walang ganti.
Itinutok nyang muli sakin ang baril.
Allen: I will make you suffer and beg for your own death.
May narinig kaming ingay sa labas na umagaw ng aming atensyon. Sumigaw pa ang isa sa mga tauhan nya na may kung sinong sumugod sa kanila.
Kinaladkad nya ako patungong second floor. Lalong nadagdagan ang sakit ng katawan ko. Umubo ako upang matugunan ang hangin na kailangan ng aking katawan.
Hindi pa nauunawaan ni Allen ang lahat, kaya kailangan kong ipaintindi sa kanya.
Lin: Allen, tigilan mo na 'to. Hindi mo pa alam ang ginagawa mo. Magkikinse anyos ka palang.
Allen: I don't care, pain taught me how to survive this world of cruelty. You don't know what I've been through. Your death is my resolve.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...