LIN: XXXVI

111 12 0
                                    

Chapter XXXVI: Season 1 Finale 

"LEARN TO ACCEPT THINGS"

--

AFTER FIVE YEARS

DAN

Nandito ako ngayon sa simbahan, kinakabahan at nag-iintay.

Hinihintay sya, na lumakad papunta sa altar.

Boy: Pre? Okay ka lang? Muka kang natatae, hindi naman pinagbabawal magbanyo.

Dan: Hmm.

Hindi naman ako natatae, pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Dahil ang tagal kong naghintay, dito din pala ang bagsak ko.

Tumingin sakin si Erl, pero inalis nya rin agad ang tingin nya.

Hanggang ngayon, kinakabahan padin ako. Pakiramdam ko ang tagal tumakbo ng oras. Parang lahat ng bagay ngayon ay slow motion.

Ilang sandali pa, dumating na 'yung babaeng naging simula ng lahat sa buhay ko. Yung babae na naging dahilan ng pagpintig at pagsakit ng puso ko.

Dahan-dahan lang ang paglakad kasabay ng tugtog at muling bumagal sa paningin ko ang lahat.

Di ko na maialis ang titig ko sa kanya. Napakaganda nya ngayong araw kahit nakabelo padin sya.

Inihahatid na sya ngayon sa atltar ng kanyang Ama. Bakas man ang luha, nginitian padin nya si Lin at hinalikan sa noo. Ipapaubaya na sya sa taong makakasama nya habang buhay.

Sumikip ang dibdib ko, halos hindi ako makahinga. Sa bawat paglakad nya papalapit sa altar. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Boy: Tol? Sigurado ka bang ayos ka lang? Ayun na sya oh..

Kitang-kita ang ngiti sa muka ni Lin. Ang ganda nya. Palihim naman akong napangiti pero--

Boy: Tol? Sabi mo ok ka lang? Bakit ka naiyak?

May tumulo na palang luha sa mata ko.

Akmang hahawakan nya na ako pero kusang gumalaw ang mga paa ko.

Nagmadali akong umalis sa pwesto ko. Ang pwesto kung saan kitang-kita ko sya, kitang-kita ko sila.

May narinig akong pagtawag sa pangalan ko, pero hindi ako tumigil hangga't hindi ako nakakalabas ng simbahan.

Hindi na kakayanin ng puso ko na makita ang kasal nila.

Tumatakbo padin ako hanggang sa makaabot ako sa isang bench.

Umupo ako.

Tumingala ako at tinitigan lang ang langit. Maaliwalas ang panahon, hindi kagaya ng nararamdaman ko--maulan. Kahit kailan, hindi naman sang-ayon sakin ang langit.

Lahat ng kaya kong gawin, ginawa ko na--sa loob ng limang taon.

Siguro nga totoo 'yung sinasabi nila na may taong nakalaan para sa isa't isa. Pero ako, ay hindi para sa kanya.

Napaiyak pa ko lalo. Sabihin nyo nang bakla ako pero t*ng ina! Daig ko pa ang namatayan ng minamahal.

Habang nakatakip ang mga palad ko sa aking muka, naramdaman kong may tumabi sakin.

"Kuya? Bakit ka po umiiyak? May sakit ka po ba?"

Tanong sakin ng maliit na tinig. Palagay ko isang bata ang katabi ko. Kunusot ko muna ang mata ko at tumingin sa kanya.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon