CHAPTER XVIII: "ANG UMIYAK MAY TAE SA PWET PART 2"
KLEIN
Nakatitig lang ako habang kumakanta sila. Yung kanta na nararapat para sa mga taong ikakasal. Para sa dalawang taong nagmamahalan.
Yung kanta na pangarap kong kantahin kasabay nya.. Habang damang dama ko ang matamis nyang tinig..
Bigla nalang akong nagising sa katotohanan. Kung makakaduet man nya ako. Siguro kapag trip trip lang.. O kaya pag niyaya ng tropa.. O kaya kapag pinilit nya kong kumanta kasabay nya…
Ito ang totoo. Iba ang kasabay nyang kumanta at nakangiti sya.. Yung ngiti na gusto ko laging makita. Napapangiti din tuloy ako. Na parang wala na kong pakeelam dun sa kaduet nya..
Nakabasag lang nang ngiti ko yung moment na nagsalita si Erl..
ERL: hanggang kalian ka ba ganyan KLEIN? Parang pinamimigay mo narin syaㅡ ang sakit kaya..
Nag echo nang walang humpay yung salitang mga Ang sakit kaya?
Ang sakit kaya?
Ang sakit kaya?
Ang sakit kaya?
As usual, eto ako. Laging nakakapit sa mga nakikita ko kaya nasabi ko nalang..
KLEIN: Don’t make me laugh. I can endure the painㅡ and besides, SHE’S NOT MINE TO START WITH.
Natapos na yung kanta at yung moment nilang dalawa pinapunta sya sa backstage tapos papunta na dapat ako nang nagkaroon ng special announcement yung host.
Si Cusscrea, si Alden. Hindi na daw sya magpeperform kasama yung kakambal nya.. Due to personal issues daw kaya una’t huling mall show nya to pero selling padin ang album nila..
Bakit kaya?
Anong mayroon?
Biglang nawala si Erl. Pero ako tamang punta na sa backstage. Dahil VIP ako, madali akong nakapasok..
ㅡ
LIN
Eto ako sa backstage, nag iisa nang may maaninag akong familiar na muka nacurious ako kaya ayon nilapitan ko. Dahil adik nga ako sa kape, parang na-mini-heart attack ako nang wala sa oras! Totoo ba tong nakikita ko? Si Potchoy at si Remi!?
Remi: LIIIIIIIIIIIIIIN!!! Kamusta? (Sabay yakap) Namiss na kita..
Potchoy: Oh, Lin hindi kita nakilala ah, kamusta?
Lin: eto, ganun padin, di parin nagbabago BUMALIK NA KAYO SA BAHAY, PLEASE?
Remi: sorry Lin, pero nahihiya na talaga kami kay ate Rosalinda. Oo malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil inampon nya kami, kaso diba? Nagtanan nga kami?
Lin: naiintindihan ko naman yon pero eversince na umalis kayo umalis narin si ate Rosalinda.. Nagpunta sya sa Amerika.
Potchoy: Sorry Lin, nagpunta kami dito kasi nakita namin ang tarpaulin.. Si Alden yon diba? Hindi kami pwedeng magkamali sya yung kalaro natin sa bahay ni ate Rosalinda..
Lin: oo sya nga yon, kaso may konting problema…
Remi: akala namin namatay na sya..
KLEIN: DADA!!
Sabay lapit naman sakin ni Ken-ken
KLEIN: Ah, alis na ko, tawagan mo ko kapag nakapag usap na kayo. I’m worried… geh..
Lalakad palang sana sya papalayo nang hatakin ko ang dulo ng shirt nya. Muka akong bata na hinatak ang shirt nang daddy nya.
ㅡ
KLEIN
KLEIN: oh bakit? (ang cute nya tignan mukang syang grade 1 na nakakapit sa shirt ko..)
Lin: Dito ka lang wag kang aalis..
Klein: E kasi bak- (bigla namang yumakap to..) b-baka hindi kayo makapag usap nang maayos kapag nandito akㅡ teka? Kailangan talaga nakayakap?
Oo, nakatalikod ako pero nakayakap sya. Ngunit, naramdaman ko na unti unting nababasa ang likod ko..
Lin: Dito ka langㅡ wag kang aalis. Please?
Klein: (oo, umiiyak na nga syaㅡ hindi ko alam gagawin ko kaya eto, magpakatotoo nalang bully)..China-chancing-an mo nanaman ako.. wag mo namang lawayan yung shirt ko (kahit sa luha nabasa) Sige, hindi na ko aalisㅡ sa isang kondisyon. Tumahan ka na, wag ka nang umiyak. Sige ka, magmumuka kang ZOMBIE..
Sabay lapit naman ng dalawang kausap ni Dada.
Remi: Ohh, Miguel?
Potchoy: Ang gandang lalake mo na lalo a?h
Klein: you too, thank you. (nakayapos parin sya, hindi ako makafocus sa kausap ko.) How about you? Kamusta?
Remi:Ah, ayos lang.. Oi Lin? Balak mo bang tumira sa likod ni Miguel?
Potchoy: Parang BAGAY SIL-----(siniko ni Remi, dahilan para lumiit ang kanyang boses) ah, s-s-sorry..
Hindi parin gumagalaw si Lin doon sa pwesto nya pero, tumigil na sya sa pag iyak..
May sumigaw na papunta nadaw si alden at yung kakambal nya..
KLEIN: Lin, relax ka lang, nanginginig ka na. (tinanggal ko ang pagkakayakap nya pero hinawakan ko parin ang mga kamay nya..) hahawakan ko lang ‘tong kamay mo, hanggang sa kumalma ka na..
Casseyleigh: oh ayun sila kuya!
Tamang lapit naman sila.
Remi: Oy Alden pano ka nakaligtas dun sa Sunog?
Potchoy: oo nga?
Alden: Sorry pero wala akong maalala athindi ko kayo maalala, pasensya na.
Remi: Bakit?
Potchoy: Kami yung kaibigan mo nung elementary!! Potchoy Pre!!? POTCHOY!!?
Alden: Sorry, I can’t remember..
Remi: wag mong sabihin na pati sya (pointing at Lin) nakalimutan mo na!? E, GAGO ka pla eh! Kesyo may pasabi sabi ka pa dyan na pakakasalan mo sya?
Potchoy: Naging sikat ka lang nakalimot ka na?
Casseyleigh: pwede ba? Wag nyong pagkaisahan ang kuya ko. MAY SAK-(biglang sumigaw si Alden)
Alden: Cassey! STOP! Listen, I don’t remember anything. Not because I wanted to, but something really happened that I tend to forget…
Binitawan na ni Lin yung kamay ko..
Lin: Hindi mo ko maalala?
Tumingin naman si Alden sa kanya..
Alden: except you there’s something in you.
Ito yung feeling na, awkward na masyado kapag nanatili pa ako. So without a word, tumalikod na ako at umalis.
Ito yung parte nang buhay ko na tinatawag na HEARTBREAK. Lumakad ako papalayo, pero tumingin padin akoㅡ nagbabakasakaling lilingunin nya akoㅡ pero…
.
5
.
4
.
3
.
2
.
1
.
.
.Tumitig pa ko nang limang segundo ulit peroㅡ wala na talaga…
Siguro kung BATA pa ako at may sumigaw na ANG UMIYAK MAY TAE SA PWET. Malamang, pipilitin kong hindi umiyak..
Pero, sa madaling salita ay HINDI NA AKO BATA.
Ramdam ko ang pag-iinit nang gilid ng aking mga mata.
SANAㅡ PAGKATAPOS NANG PAGLUHA KO, MASABI KO SA KANYA NANG MAY NGITI..
NAㅡ
“MASAYA AKO PARA SA INYO”
-Spin Know
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...