LIN2: VI

93 10 2
                                    

Chapter VI: "ANG FASTFOOD AY HINDI FAST"

Spencer: Greenwh*ch

Lin: Jalibi

Spencer: Jalibi is not my style.

Lin: style mo bulok! Dun ka sa Greenwh*ch mo!

Dice: tara Gege, dun tayo sa Greenwh*ch

Haay.

Oh.

Nandyan pa pala kayo?

Sa mga taong di pa nakakakilala sakin, ako nga pala si Kick Ass at babambuhin ko na kayo ng baton ko pag di nyo pa ko tinantanan.

Kailan ba 'ko makakatakas sa introduction na 'to ha? Matagal ko nang sinabi na walang pupuntahang matino ang istoryang 'to pero natural lang na basahin mo, inupdate eh.

Haist, wala na 'kong magagawa dahil makulit din naman kayo.

Ako nga pala si Polinda De los Santos De los Reyes. Pwede mo kong tawaging Iron Man, Bat Man, Super Man, Spiderman, Holowman Slenderman, gulaman, kailanman, ninjaman at UltraMan. O kahit ano pa man.

Matagal narin ng huling mapublish sa wattpad ang ending ng season 1.

Pambihira din naman kayo, pinagtatabuyan ko na nga kayo pero ang tigas talaga ng mga kokote nyo. Binabasa nyo parin ang istoryang ito kahit wala naman talagang matinong pangyayari.

Sandali lang, dahil nandito narin naman kayo. Ipapakilala ko na sa inyo ang mga bagong salta sa nobelang ito.

Uunahin ko na si Spencer. Ang number one na pangyamot sa buhay ko. Lahat nalang ng bagay na gusto ko, kontra sya. Lahat nalang ng oras umeepal sya.

Totong magkaiba kami, mapa height o prinsipyo, hindi kami nagkapareho. Aminado ako na mayabang ako, mayabang si Hunter, pero mas mataas ang level ng kayabangan samin ni Spencer.

Habulin sya ng mga babae, dahil bukod sa rich-kid sya ay gwapo pa daw, matalino at matangkad. Ubod naman ng sama ang ugali at para sakin muka syang mangga.

Simula ng magfourth year ako, marami na ang nagbago. Umalis na sila Zel at Harvey dahil narin sa kagustuhan ng parents nila na tumira sa London. Si Phil naman, no-permanent-address. Performer kasi kaya kung saan-saan nakakarating.

Nagtransfer naman dito si Ram kaya sya ang lagi kong kasama. Sya rin muna ang pinaorder ko, minsan kasi ang kukupad ng mga empleyado. Gutom na gutom ka na pero hindi ka parin makakain.

Speaking of laging kasama, bigla-bigla nalang din akong nagkaroon ng dalawang anino. Well, ang tinutukoy ko ay sina Spencer at Dicezel.

Sa tingin ko, sapat na ang paglalarawan ko kay Spencer. Mas okay kasi kung tatawagin ko nalang syang kapre.

May isa pang asungot na nadagdag, at ayun ay si Dicezel. Siya 'yung tipo ng 'taong magkukulay ng silver, red o blue green sa buhok nya. Muka syang gangster pero para sakin, mas muka syang panda. Malungkot at parang laging puyat ang mga mata nya. Matangkad din sya at tatahi-tahimik. Marami ding mga girls ang may pagtingin sa kanya pero dinedeadma nya. Matakaw sya, pero hindi ko pa gaanong alam ang ugali nya.

Nandito kami ngayon sa isang mall. Nagutom ako kaya nagyaya akong kumain. Ang pagkakaalam ko, si Ram lang ang niyaya ko. Sa kasawiang palad, bumuntot nanaman samin ang dalawa. Psh, anu ba kasing problema nila?

Lin: Magsama 'kayo ng Gege mo!

Nakalimutan 'kong sabihin na pareho silang Chinese kaya naman, nagkakasundo sila sa pagkain. At ang ibig sabihin ng Gege ay Kuya.

Ram: Chill lang Lilin. Tara na dun?

--

Lin: Ang alam ko talaga gusto nyo sa Greenwh*ch? Eh bakit kayo nandito?

Yamot 'kong tanong sa mga ungas na umupo sa bakante sa harapan ko.

Spencer: We're about to leave cause we already have our food. Unfortunately, I saw you here, alone. I looked at your face as if it was telling me that you needed me.

Pwede bang manapak ng mangga?

Lin: Ang alam ko si Flores ang kausap ko.

Dice: Ang cute mo.

Wala na, bwiset! Kaya ayokong tatanungin 'yan eh. Ako lang ang mayayamot sa sarili ko. Punyemas naman. Nanahimik nalang ako. Sa tingin ko mas lalala ang sitwasyon kapag nagsalita pa 'ko.

Dice: Gege, sabay nalang tayo sa kanila.

Spencer: sure thing.

Lin: Nahihibang na ba talaga kayo? Jalibi 'to tapos kakainin nyo Greenwh*ch!?

Spencer: Gano ba kalaki ang utak mo ha? Kainan 'to diba? Bakit ka pa magtataka? You're so lame girl.

Lin: Abnormal ka talaga!

Dumating si Ram.

Ram: Lilin, ito na 'yung order natin. Grabe! Ang daming customer ngayon!

Inilapag nya 'yung tray at napatawa nalang 'nung makita nya 'yung dalawang anino 'ko.

Lin: Tawa ka dyan!?

Ram: nandito na pala 'yung mga knight-in-shining-armor mo. Medyo natagalan kayo mga kamahalan.

Spence: I'm too fab to be his knight.

Dice: Ayokong maging knight. Ang gusto ko lang maging si kung-fu panda.

Lin: ang gusto ko lang, lumayas kayong dalawa dito.

Ram: tama na yan, kumain na tayo.

Inuna kong kainin 'yung chicken ko. Sila naman, pinanindigan 'yung spaghetti at pizza nila. Imba din 'tong mga chinese na 'to. Mahilig sa western food!

Nakarinig naman ako ng clicking sound. O parang sound ng shutter ng camera. Pero, baka naiimagine ko lang.

Dice: labo? Akin nalang 'yung mais mo?

Iniabot naman agad ni Ram 'yung butter corn.

Dice: xie xie, Spencer Gege, buy me this?

Spencer: sure.

Haay, ang gulo ng dalawang 'to. Minsan magkaaway sila, minsan naman close na close.

Spencer: Yah, girl? Quit staring, I know I'm handsome. Sorry, but you're not my type.

Lin: pathetic, if I know, you like me too much that you can't even sleep at night without thinking of me.

Spencer: then that would be a nightmare.

Lin: see? Even in your dreams you see my face!? Oh come on!

BLAG!

Inihampas ni Lobo ang dalawang kamay nya sa mesa at marahas na tumayo. Natigilan kami sa ginawa nya. Pumunta sya sa kasunod na table namin at kinuwelyuhan 'yung lalaki.

Dice: SINO KA!? NASAN NA 'YUNG CAMERA!?

Haay, kahit kasi sinong tao matatakot sa kanya. Mayroon naman sigurong camera ang Gege nya bakit pa sya nanghihiram sa iba?

Ibinigay naman nung lalaki 'yung cam nya. Dslr pala tapos may nakakabit pang lens. Pagkahawak palang ni Dicezel, tinignan nya muna saglit, ngumisi sya at ibinato sa sahig ang cam. Dahilan para tumalsik ang ibang parte nito.

Hindi pa sya nasiyahan at dinurog nya pa sa pagtapak 'yung flash, lens at 'yung mismong screen nung camera. Hindi nya itinigil hangga't hindi nagkakadurog-durog ang mga parte. Nakanganga lang habang nangangatog 'yung may ari nung camera.

Dice: sa susunod na makita pa kita na kinukuhanan sya ng litrato. Dudurugin din kita kagaya nalang ng pagdurog ko sa camera mo!

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon