UPDATE: APRIL.05.15
Chapter 15: "WALANG GAMOT SA TANGA KUNDI PAGKUKUSA"
5 Days After..
Erick: anak, diba sabi ko, ayoko ng naglilihim kay tatay?
..
Limang araw matapos ang party, maraming nangyari.
Napakarami.
Nandito kami sa loob ng kwarto ko. Nakaupo sina Tatay at Kuya Erl sa tapat ko. Nakadekwatro pa si Kuya at naniningkit ang mga mata. Ang tatay ko naman, pacool lang pero walang emosyon ang muka. Medyo skeri.
Erl: kung di ko pa tinakot si Ram, di ko malalaman.
Dinig na dinig ang bitterness sa salita nya. Napabuntong hininga naman si tatay. Hindi parin ako nagsasalita.
Erick: nak, tapatin mo nga ako. Boyfriend mo ba yung anak ni de Ayala? Yung totoo, hindi oras ng biruan ngayon Erliz Jane.
Ramdam ko na bitter din si tatay. Tinawag na nya kong Erliz Jane.
Lin: tay, hindi ko sya sinisinta.
Marahan kong tugon sa kanila. Napaiwas ng tingin si tatay at kinagat ang ilalim nyang labi. Tila natabangan sya sa sagot ko.
Erl: eh bakit mo sya hinayaang--
Lin: UTANG NA LOOB! WAG MO NANG IPAALALA!
Napasigaw na 'ko. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari. Tuwing sumasagi sa isip ko ay kasabay nito ang pagkabaliw ng sistema ko.
Tumunog ang phone ni tatay, sinagot nya naman agad. May meeting sya ngayon pero mas minabuti nyang makausap muna ako bago sya magpakaabala sa trabaho. Pumunta sya sa may veranda at nakipagusap sa cp nya ng masinsinan.
Ito namang kuya ko ay kunot ang noo na nakatingin sakin.
Erl: Lin, anong nangyari matapos kang kausapin ni tatay dun sa party?
Lin: nalaman kong mas mayaman pa ako kay tatay.
Erl: bukod pa d'on.
Lin: bakit ba gusto mong malaman?
Erl: because I care Lin, don't ever forget that!
Lin: nagtagpo kami nung pedia ko. Family doctor din daw namin sya.
Erl: tapos?
Lin: tapos....
Ayokong ikwento sa kanya ang nangyari. Ngunit paulit ulit lang na nagpapapansin sa utak ko ang mga eksenang hindi ko inakala na mararanasan ko nung gabing 'yon.
--
Flashback
Wilhelm: so, wala kang idea about the pacemaker?
Tumango ako, aba, malay ko ba sa pacemaker na 'yan.
Wilhelm: well, I hope na kilala mo si Ironman.
Huh, sa lahat ba naman ng itatanong, yung paborito ko pa.
Lin: Idol ko si Ironman.
Wilhelm: well, that's great. Sige nga. If you are a fan of Ironman, what is the most important part of his machine?
Lin: edi yung puso nya na gawa sa baterya. Yun yung source ng power nya eh. Sus, chicken.
Wilhelm: hahahha. Ang galing! Well, may pagkakapareho kayo ni Ironman.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...