LIN: XXXII

138 12 0
                                    

Chapter XXXII: "BAKIT NAKAKATAMAD PUMASOK SA SCHOOL? PART 2"  

Kamusta mga tropareaders!? Ako parin ito si Lin. Bitin ba sa dun sa nakaraang chapter? Haha sinasadya ko talaga 'yon para masaya.

Kasalukuyan akong nandito sa quadrangle naghihintay ng milagro, nakakaubos ng braincells ang araw na ito.

"Harvey!? Umayos ka!?"

"Hoy Harvey? Natatae ka ba?"

Ilan sa mga narinig kong sigaw dito sa quadrangle. Napatambay lang ako dahil trip ko? Nangenge-elam?

Wala padin sa sarili nya si Boy Kape. Anak ng patola naman oh. Punks talaga 'to eh.

Lin: BOY KAPE! SIRAULO KA! YOU'RE SUCH A LOSER! BOPOLS KA! WALA KANG KWENTA! MAGTAGO KA NA SA SAYA NG NANAY MO!

Sinigaw ko lang naman 'yan. Kasama kasi 'yan sa plano ko. Duwag kasi 'tong si Boy Kape, ang sarap sampalin ng pasala-sala hanggang sa mamatay sya sa kakailag.

Pero syempre, biro lang.

Inis padin kasi ako d'on sa inasal nya kanina. Pakiflashback nga boss Spin Know.

FLASHBACK--KWISSH

Lin: handa na ko sa speech mo. Gusto kong malaman ang lahat.

Harvey: Iniiwasan na ako ni Zel. Tama lang naman yung ginagawa nya. Pero bakit nasasaktan ako? Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Nung isang araw ko lang din nalaman,

na may fiancée na pala ako.

Muntikan na akong mabulunan sa sinabi nya. Anak ni Barabas naman oh, fiancee? Anong kalokohan 'yon? Joker ba 'to si Boy Kape? Nakakasira ng ulo hindi sya nakakatawa pre!

Lin: Joke ba 'yon? Hindi kasi nakakatawa.

Harvey: I'm not joking Lin.

Lin: G*gohan ba 'to Boy Kape?

Harvey: No.

Lin: Kaya ka ba iniiwasan ni Krizelda dahil nalaman na nya?

Harvey: Yes.

Lin: Mahal mo na ba sya?

Natigilan sya sa tanong ko. Takte sasagot lang pinapatagal pa, inaantok na tuloy ako.

Lin: Simpleng tanong na nangangailangan lang ng simpleng sagot.

Harvey: It's hard for me Lin. I'm not quite sure.

Lin: Gan'on ba? Hindi naman talaga ako interesado sa lovestory nyo. Ayokong makiepal sa mundo nyo pero binulabog nyo na ang buhay ko. Nandyan kayo nung panahon na kailangan ko kayo. Gan'on naman ang magkakaibigan diba? Nagdadamayan. Sabihin mo, masarap bang masaktan?

Tahimik padin sya.

Harvey: m-mahal ko na siguro sya pero natatakot ako Lin. Hindi ko sya kayang ipaglaban.

Lin: sino ba 'yang fiancee mo na yan? Kausapin mo kaya? Malay mo di ka nya gusto? O kaya makiusap ka? Sabihin mo iba 'yung mahal mo, tapos malay mo tulungan ka pa nya? Utak please?

Harvey: bahala na Lin.

LE KASALUKUYAN RAWR!

Hoy Batman? Wag mong tutulungan 'tong si Boy Kape.

Sa totoo lang susot na susot na ko sa pwesto ko, pero mas natatawa ako pag nakikita ko 'yung muka ni Boy Kape na di maipinta.

Hindi naman ako interesado sa practice kaya palinga-linga ako. Hanggang sa mahagip ng paningin ko si Krizelda Almeda.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon