Chapter III: "MAS MATAGAL ANG COMMERCIAL KAYSA PALABAS" part 3
Yung mga pagkakataon noon na akala natin na parang commercial lang at kalaunan ay kakalimutan nalang natin ay yun pa 'yung pagkakataon na makakatulong saatin sa kasalukuyan.
Magandang araw nga pala sa inyo. Sa ngayon, ako padin ang pansamantagal na bida dito. Ako nga pala si Ramuel Flores. Madaling araw na at gising na gising padin ang diwa ko. Iniisip ko padin kung pano nangyari ang lahat.
Pinanood ko nalang ang dvd na pinahiram sakin ni Lin. Ang Kick Ass 1 at part 2. Pambihira talaga ang taste nya pagdating sa movie, kung di action, ay horror.
Ininom ko din ang kape na galing sa kanya, halos lahat ng gamit ko dito sa apartment galing sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ang lumang baul na nasa ilalim ng kama ko. Ito 'yung baul naming magkakatropa. Dito namin inilagay ang mga bagay na puno ng ala-ala. Halimbawa nalamang ay ang mga costume na ginamit namin nung play at ang mga journal namin na nakakandado.
Speaking of journal, kahit amoy ipis at amoy ni Boy ang baul na ito ay napagtripan kong buksan at basahin ang aking journal. Para kong t*nga dahil tawa ako ng tawa sa mga nababasa ko. Alam kong babatukan ako ni Dan o kaya ni Erl kapag nakita nila na ang sulat ko dito ay puro kasablayan ni Lin at ni Boy.
Ititigil ko na dapat ang kabaliwan ko nang biglang may nahulog na sobre mula sa journal na hawak ko. Kunot-noo kong tinitigan ang sobre at pinulot. Nanlambot nalang ang tuhod ko. Ito 'yung sulat ni Erlene na hindi ko naibigay kay Lin.
Bakit hanggang ngayon ang lakas padin ng epekto sakin ni Erlene? Matagal na syang wala, at alam kong huli na para sakin.
Naglalaro sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin sa sobre. Itatapon ko ba? Babasahin o ibibigay ko ba kay Lin? Marami na kong pagkakataon na pinalampas dahil wala namang nabuong desisyon sa utak ko kundi itago ang sulat. Kaya heto, tila gusto na ni Erlene na ipabasa ang sulat nya kay Lin. Ang kulit nya talaga.
"Gwapong nakasalamin? Buksan mo ang pinto!"
Boses palang alam kong si Erl ang kumakatok.
Ram: Walang yelo, malambot pa!
Erl: Nak-nak!?
Hindi ko padin binubuksan ang pintuan. Sinakyan ko nalang ang trip nya. Sumandal ako sa pinto.
Ram: Hus der?
Erl: PADER! Dejokelang, eto real na real. Ah, Abby ang gamit head and shoulders
Ram: Abby ang gamit Head and Shoulders, WHO?
Erl: Abby, ang gamit head and shoulders. I'll be your love suicide. I'll be better when I 'm older--
Ram: t*ng in* wala sabing tindang yelo!
Erl: Pre alam kong bumenta yung nak-nak ko. Pero t*ng-in* papasukin mo na 'ko malamok dito!
Ipinatong ko sa may divider ang sobre at binuksan ko ang pinto. Dali-daling tumakbo si Erl at umupo sa kawayang upuan habang nagkakamot ng braso leeg at katawan.
Ram: Pre, anung ginagawa mo dito?
Napatigil naman sya sa pagkakamot nya.
Erl: Sh*t nagkapantal ako, kasalanan mo to. Tsk.
Ang arte talaga ng lalaking 'to kahit kailan.
Ram: Seryoso ako tol.
Erl: Seryoso din ako man! Dapat magkatol ka man lang dito, palagi pa namang nakatambay si Lin dito. Pag 'yun na-dengue naku, yari ka talaga sakin.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...