Chapter III: "HINDI MASAMANG NGUMITI KUNG MAY DAHILAN, MAGTAKA KA KUNG WALA"
Hello there! Naiba lang ang pagbati ko, sabi nga nila FOR A CHANGE.
Ako nga pla si Lin, short for POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES. Nagkanerbyosan at nagkabatukan na sa aking istorya. Pero, bakit nga ba nauso ang batukan?
Simple lang naman ang maisasagot ko, hindi dahil sa balasubas ang mga kaibigan ko (slight lang) dahil kakaiba lang talaga ang paraan nila sa pagpapakita nang emosyon.
Magandang halimbawa din nito ang biglaang paghahampas ng kaibigan mo sayo kapag nakita nya ang crush nya, ang mas malalang sitwasyon ay ang kasamang pang gigigil kapag kilig na kilig na sya.
Hindi ba nila alam na nakakasakit na sila? Pag emosyon nga naman ang pinairal, hindi na nakakapag isip ng maayos.
Relax, minsan sa sobrang sakit ng pagkakabatok o hampas sa akin ay napipikon ako. Hmmm, pero as usual hindi naman ako naganti. Kahit lintik lang ang walang ganti, walang maidudulot na maganda ang pagkamuhi.
Ako yung tipo ng tao na hindi marunong gumanti o manakit ng kapwa ko sa pisikal na paraan.
Dahil isa akong kulubot na ampalaya, ang pinakamalakas na sandata ko ay ang aking DILA.
Ngunit, ginagamit ko lang ito kapag kinakailangan. Naaalala ko kasi yung paulit ulit na sinasabi ng teacher ko, "Kung wala kang magandang sasabihin, wag ka nalang magsalita".
Yun ang sinasabi nya kapag may recitation kame, kaya nakakahiya kapag sumagot ka ng mali.
Balik tayo sa emosyon, minsan may mga oras na natatawa ka, dahil sa mga nakakatuwang ala-ala. Minsan din, nalulungkot ka, dahil naaalala mo lahat ng kalungkutang dinadanas mo ngayon.
Pero, kapag nawala at nalagpasan mo na lahat ng ito. Ang mga ala-alang nagpapangiti sayo ay paluluhain ka na. At ang mga ala alang nagdulot sayo ng sakit, ay tatawanan mo nalang.
Nakakalitong isipin, nakakatulirong damdamin. Pero ang mga ala-ala ang nag-uudyok satin na maging masaya at maging malungkot sa araw araw.
Ehem, ehem, pero kung may oras na natatawa ka, naiiyak ka, at natatakot ka ng walang matinong dahilan, hehehe Aba! Iba na 'yan! MALALA na 'yang problema mo! Magpatingin ka na sa doktor!
Nung nakarating na kami ni Zel sa Fastfood chain, umorder na kami agad agad ng pagkain, at habang naghihintay...
"Lin? May gusto sana akong itanong eh." sabi nya pagkatapos uminom ng tubig.
"Ano yon? Kung tungkol sa pag-ibig, PANIGURADO.."
"Expert ka dun?" Try mong basahin ang title? Laging usapang pag-ibig ang nasa utak nitong babaeng 'to!? kamot ulo nalang.
"Paniguradong LIGWAK!! Wala akong maisasagot"
"Sabi ko na nga ba, Teka! Hindi naman kasi Love eh."
"Ano?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Bakit parang ang saya-saya mo nung nakita mo sila? Tsaka yung SMILE mo WAGAS NA WAGAS!"
"Tropa ko kasi sila, namiss ko lang yung mga yun. YUN LANG!"
"Kasi, naaalala ko yung time na una tayong nagkita."
"Hindi ko na maalala..." pilit kong hinalukay ang utak ko para sa ala-ala ngunit wala talaga.
"YOU'RE SO MEEEEEEEEEEEEEEAN!!" Maarte nyang sabiu at nag iyak-iyakan pa sya.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...