LIN: XI

195 17 0
                                    

Chapter XI: "ANG NAKALIMUTAN NANG UTAK, PUSO ANG MAKAKAALALA"


Hi pipol!? Ako nga pala si Polinda Delos Santos Delos Reyes. Lin ang karaniwang tawag nila saakin. Matagal din akong namahinga, bukod sa pagiging busy ng author ko ay kung sino-sino nalang ang pinagkukwento nya.

Nauubusan na yata sya ng ideya, at nagpapabola pa sya sa mga fans nya kaya nagiging parang lovestory na itong LOVE IS NOTHING!!

Huh? Nagkakamali nanaman kayo. Tigilan mo na ang pagbabasa kung sa tigin mo ay kikiligin ka pa. Ako lang naman ang hindi tinatablan ng kilig moments na inihahayag ng engot kong author.

May mga fans din na nagtatanong kung sino ang kaloveteam ko. Duh? As if naman na may magkagusto sakin.

Ang mga tao sa panahon ngayon ay masyadong mapanghusga. Sa isang pangit na kagaya ko, napakaimposibleng magustuhan ako ng mayayaman at magagandang tao.

Kahit ikaw, aminin mo na sa sarili mo na tumitingin ka rin sa panlabas na kaanyuan. Hindi mo papanoorin ang telenobela kung pangit ang bida. Oo, may iba't iba tayong persepsyon pagdating sa kagandahan. Pero iisa lang naman ang tingin natin sa mga taong pangit.

Kahit pa gaano karami ang talent mo, at kahit ikaw na ang pinakamabait na tao sa mundo, malamang ang kaibigan mo lang ang magsasabi sayo na maganda ka. Minsan pa nga mas masakit, na kahit kaibigan mo, hindi kayang magsinungaling sayo. Ang magagawa mo lamang ay tanggapin ang katotohanan.

Tanggapin mo rin na ang sarili mo lang ang makakatiis sa lahat ng ginagawa mo. Kagaya ko, madalas mahusgahan ang isang tulad ko, dahil bukod sa pangit eh hindi pa raw kagandahan ang ugali ko.

Subalit, ginagawa at sinasabi ko lang naman ang sa tingin ko ay tama. Kung nasasaktan man sila sa sinasabi ko, malamang hindi ko na problema 'yon. Hindi ako nanatiling buhay para lang sa kanila. Nabuhay ako dahil yun ang gusto ko. Husgahan mo ko, pero wala akong pakeelam. Dahil binuhay ako, para mabuhay, hindi para pahangain ka.

Nakausap ko si Ken Ken, as usual. Sari-sari padin ang sinasabi nya. Well, kailangan ko ng pumasok sa school. Haay, ito ang mahirap sa college, kahit sabado may pasok.


Umaga nanaman--morning morning.

arf af arf..

Lin: umagang umaga, may bwisita ako. Pasok na Mang Pido, alam kong ikaw 'yan.

Dan: Master Ice? Good morning!

Lin: Woooah doctor? Anong ginagawa mo dito?

Dan: KUNG HEI FAT CHOI. Hahahahaha

Lin: waaaaaah, chuma-Chinese ka na ngayon ah?

Dan: syempre. Naalala ko lang na mahilig ka sa chinese food na kagaya ng Siomai at Siopao.

Ipinatong ni Dan ang mga dala nyang pagkain sa mesa.

Lin: wow tamang tama, hindi pa ako kumakain. Hmm, mga ilang minuto pa ay dadating na si Mang Pido.

Dan: ah, kasabay mo nga pala sya sa pagkain.

Lin: parang tatay ko na yun eh.

Dan: Oh, sya kumain na tayo.

Lin: Sige (waaaaaaaw, andaming pagkain hehehe)

Dan: level 85 talaga yang katakawan mo, above normal. Hahahaha ah, malapit na nga pala birthday ni Hunter diba? May regalo ka na?

Lin: wala pa kong pera e, kaya wala siguro akong maibibigay. (tapos na birthday nyon >:D)

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon