Chapter XXXIII: "SEE YOU AGAIN, ANEMIC"
Magandang araw sa mga bumabasa nito, ako nga pala si Polinda De Los Santos De Los Reyes. Iron Man nalang para maikli--este Lin pala.
Pagkatapos naming mag-usap ni E.T. Tamang tambay nanaman ako sa loob ng classroom.
As usual, wala padin 'yung teacher. Sabi kasi sa student manual, kapag wala pa ng 15mins ang teacher ibig sabihin wala nang clase.
Kung titignan mo ang mga kaklase ko, may mga nagseset na ng alarm. Maraming nagdadaldalan, maraming nagmamake-up kahit walang okasyon. Maraming text ng text at 'yung iba chillax lang pasoundtrip-soundtrip, parang ako.
Busy ako sa pangangalumbaba at paglipad ng isip ko papuntang galaxy nang may kumalabit sakin.
Tumingin naman ako sa taong 'yun at binigyan sya ng bored-ako-dont-talk-to-me look.
klasmeyt: May itatanong ako sayo.
Lin: wala akong pakielam tsupi!
klasmeyt: sige na isa lang please?
Lin: Sige anu ba 'yon?
Klasmeyt: Pag nagka-earthquake hula ko ikaw ang may kagagawan, sa tingin mo bakit?
Lin: malay ko.
Klasmeyt: Kase 'yung pangalan mo POLINDOL! HAHAHA!
Ang corny talaga.
Lin: nakakatawa naman, sa sobrang pagkagalak ko gusto ko nang umiyak pero as usual, tinatamad ako.
Napalunok naman 'yung kaklase ko na kanina ay tumatawa.
Uso naman manahimik bakit eepal pa sya ng ganon?
Parang tanga lang, di na nga ako natawa medyo naasar pa 'ko.
Wala nang bumulabog sakin pero tumunog ang cellphone ng kaklase ko. Nagtawanan pa sila, Ang tugtog kasi sa alarm nya look-up-look-up shake-shake-shake
Mga siraulo talaga.
May narinig pa akong usapan, wag ka nang magtaka, tsismosa talaga ako pero hindi ko naman sinasadya.
"tara 'tol, wala namang prof eh"
"Malay mo dude late lang?"
"Eh, nasa rules naman diba?"
"30 mins na nga syang wala eh"
Tumayo ako at halos lahat ng mga kakalase ko ay nakatingin saakin.
Pag minsan talaga masarap gumawa ng kalokohan. Nilakasan ko ang boses ko para intense.
Lin: ANG HINDI LUMABAS MAY TAE SA PWET!
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan na sinundan ng pagtunog ng mga kuliglig.
Nakakaisang hakbang palang ako nang magpulasan sila at nagsitakbuhan papalabas!
Seryoso? Effective padin pala 'to kahit college na ang mga ulupong na 'to?
Natawa naman ako.
Tamang labas na ako ng classroom.
Pasway-sway pa akong naglalakad sa hallway na parang timang.
Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko 'yung prof namin.
Prof Ens: Oh PDD? May clase pa tayo san ka pupunta?
Lin: Uuwi na.
Napatingin ako sa kwelyo nya. May mga bread crumbs pa.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...