LIN: HEART

283 16 0
                                    

Valentines Day Special----> "HINDI LAGING TAMA ANG PINAPANA NI KUPIDO"

WARNING!!

ANG KABANATANG ITO AY RATED SPG!!

HINDI KO KAILANGAN NG CLOSEMINDED..

THE PAST CHRONICLES-----> (THE MANG PIDO STORY)

KUPIDO MARCO



HI? ako nanaman ito si POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES!! Kung tinatamad kang sauluhin, LIN nalang. Mejo nabitin ba kayo sa Chapter 11? Hahaha.

Sinasadya ko talaga yon.

Bumababa na ang kumpyansa ng author sa pagpapatuloy ng nobelang ito. Pero ang tanging motivation nya para magpatuloy ay ang kanyang natatanging mga TANGAhanga este TAGAHANGA.

Oo ang mga konting fans nalang ang bumubuhay sa nobelang ito, pero di nyo ba alam? Sabi ni author ako daw ay galing sa kanyang mga panaginip at mga makasiraulong katotohanan na naranasan nya?

Nais ko rin palang magpasalamat sa mga fans ko na kahit nabubuhay lamang ako sa inyong imahrnasyon ay natutuwa naman kayo? Di ba?

Salamat sa pagsubaybay sa walang kawawaang buhay ko. Ows, talaga? Nakarelate ka? Weh? Hmm, ito ay ang Valentines Special ng LOVE IS NOTHING.

Kilala nyo ba si Kupido? Hahahahaha hindi 'yung namamana ng pag-ibig, kundi yung BASURAMAN sa aming bayan. O, nawalan ka ba ng gana? Sabi ko na nga ba, dapat hindi ko nalang inintroduce. Pero, gusto ko ang story nya kaya't ilalahad ngayon ito sa inyo.

Sige, maiwan ko na kayo.



Happy valentines day!! Yan ang bati ng mga kabataan na inaakala na ang okasyong ito ay Pasko. Hindi na maiaalis sa utak ng kabataan na iba na ang ibig sabihin ng PAG IBIG.

Nakakatawa dahil kapag naririnig ko ang salitang pag-ibig ay naaalala ko ang aking utang sa institusyon ng PAG IBIG FUND. Teka, kalimutan mo na ang aking utang.

Tanong ko lang, para kanino nga ba ang valentines day? Ang araw na ito nga ba ay panahon ng pag gunita ng pag iibigan ng magkasintahan? O araw ng pagbubuo para sa mag asawang masipag?

Ano man ang iyong dahilan, ay wala akong pakeelam. Valentines Special mo yang muka mo!! Bakit nga ba ako ang nagkukwento dito? Porke ba KUPIDO ang pangalan ko? Feeling mo ba alam ko na ang kahulugan ng PAG IBIG?

Isang kahibangan lamang ang pag-ibig! Ibigay mo man ang lahat--kulang padin. May nakapagsabi din sakin na lahat ng SOBRA ay nasasayang.

Parang 'yung kasabihan ng alak, "UMINOM LANG NG TAMA" Pero sa totoo lang, may kasunod pang salita yon. "UMINOM LANG NG TAMA PARA HINDI MAGKATAMA!!" OLATS, SABOG!! Isusuka mo ang sobra, mailuluwa mo lang at maitatapon lamang sa lupa.

PAANO ko naihalintulad sa pag ibig? hahahaha. Sa oras na magmahal ka ng sobra, sinasayang mo lang ang sarili mo. Dahil sa oras na magpahalaga ka, makakalimutan mo na ang halaga ng sarili mo.

Ang karanasan ay ang pinakamainam na guro. Ito ang nagturo saakin ng tunay na kahulugan ng tinatawag mong pag ibig. Husgahan mo man ako ngayon, masasabi kong halos mabaliw ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa isang tao...

(KUPIDO MARCO--->narrator)

Sa school namin ng College.

Pido: Ako nga pala si KUPIDO

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon