UPDATE: 03.06.15
Chapter 13: "Mag-ingat sa Tao na may Maskara"
Maingay ang paligid.
Napakaraming tao.
Napakagulo.
Nakakabingi ang ingay, ngunit mas nakakabingi ang tibok ng puso ko.
Erl: honey pie? Sigurado ka bang okay ka lang?
Napahawak naman ako sa dibdib ko. Nagsisimula nang manikip. Pinilit kong ayusin ang muka ko. Tumango ako at tumingin sa paligid.
Lin: Maganda dito, ang yaman masyado ng may ari nito.
Erl: Mayaman nadin tayo Lin. Sabi ni Tatay mas maganda at malaki ang assets natin sa America.
Hindi ko ramdam na mayaman na kami. Napakasimple kasi ni Tatay. Umakbay sakin si Kuya.
Erl: sa tingin mo, nandito kaya sila?
Nandito kaya sila?
Flashback-------new year's eve
"Di pa panahon para magkita tayo pero, ayokong pabayaan kang mag-isa habang nilalabanan mo ang takot mo"
Lin: siraulo ka, feeling mo ba ikaw si tuxedo mask? Ginaya mo pa ang get up nya. Pambihira.
Napatawa sya ng kaunti. Sya lang ang taong kilala ko na hindi mahirap patawanin.
"Hindi ka parin nagbabago," hinigpitan nya pa ang pagkakayakap nya. "Time's up na 'ko. Kita nalang tayo sa CHINESE NEW YEAR" saad nya. Lumuwag ang yakap, kumapit pa 'ko sa suot nyang tux pero, parang madali lang talaga sa kanya ang iwan ulit ako.
--
Spencer: oh, Robogirl is here.
Dice: hi Pauline.
Erl: hey, I heard you're the new heir of Tan Corps.!?
Spencer: hell yeah.
Lin: lobo? Dun tayo?
Tinuro ko 'yung lugar na sa tingin ko ay walang masyadong tao. Sinamahan naman nya ko. Si Kuya naman kausap lang si Kapre.
Dice: you hate crowded places.
Lin: yeah.
Dice: so, what kind of person is he?
Nakwento ko sa kanya si Dan at KenKen
Lin: he's a lot like you.
Natahimik sya.
Dice: hey? Want to go star gazing?
Lin: ngayon na?
Tumango lang sya. Ginaya nya ang kamay nya, inabot ko naman. Kahit papaano, nawala ang kaba ko. Nasasanay nadin ako na lagi syang kasama kung saan saan. Masaya syang kasama dahil alam nya 'yung mga bagay na gusto ko. Malambing din sya, parang si Dan.
Lin: G×go ka Lobo, bakit tayo nandito?
Dinala ba naman ako sa balcony nung mansion.
Dice: for better viewing I guess.
Lin: English mode? Alam mo namang matigas akong mag english diba?
Imbis na makipagsagutan sakin, tinapik nya lang ang ulo ko. Tinuro nya ang buwan. Namangha naman ako. Ang ganda.
Dice: KUNG HEI FAT CHOI
Tipid na ngiti lang ang isinukli ko. Presyong singkwenta isa.
Tumunog ang cellphone nya at agad nya namang sinagot.
Dice: balik na tayo dun!?
Tamang balik naman kami.
Nagsimula nang magsalita 'yung host ng kung anu-ano. Maraming namutawi sa isip ko. Paulit-ulit na nagpaflashback sa utak ko ang eksena. Nagbalik lang ako sa realidad ng sikuhin ako ni Spencer.
Lin: ano ba?
Spencer: it's him. I mean do you know that guy!?
Napatingin ako sa stage. Isang nagliliwanag na lalaki na ang kasama nung host. Hindi ko alam pero napatitig ako sa kanya. Ang tindig, mga mata, ilong at labi. Parang nakita ko na. Bukod sa kulay tsokolate nyang buhok.
Spencer: this is so unfair. With just one look you're mesmerized!?
Umismid nalang ako.
Erl: Lin, sigurado kang hindi mo sya nakikilala?
Napakunot ang noo ko at umiling.
Erl: ayos lang sayo kung sapakin ko sya ngayon din?
Sabay sabay pa kaming napatingin kay Kuya.
Erl: hindi ako nagbibiro Lin.
Lin: wag kang mag eskandalo dito, baka ako ako ang sumapak sayo, gungong.
Napatayo ako at nagwalk out.
Ayoko muna ng kausap. Naiirita ako.
Tamang lakad dun sa garden. Walang tao dito eh. Maarte 'yung mga tao, ayaw lamukin.
Nakakatawa.
Mas gusto kong manatili sa lugar na walang tao at papakin ng lamok kaysa makisalamuha sa lugar na maraming tao pero mga ugaling lamok.
"Hey"
Napailing nalang ako. Sino nanamang sisira sa kapayapaan ko ngayon?
Bumungad sakin ang kulay tsokolate nyang buhok. Ang mga mata nyang pamilyar. Ang tindig nya na kabisado ko pero parang hindi ko parin sya kilala.
"Kamusta ka na, Lin?"
Hindi ko sya kilala.
Lin: sino ka?
Nilahad nya ang kamay nya.
"I'm your old pal"
Old pal? English mode din sya. Tatalikod na sana ako pero huli na…
Nahatak na nya ko sa bisig nya.
Sinubukan kong kumawala pero parang nanigas na ang katawan ko nang maamoy ko na sya.
"I lied"
Two words.
Dalawang words lang. Pero nawala na ang sistema ko.
"I'm not the person that you used to know" mas humigpit pa ang yakap nya. Hindi ko alam kung bakit nanghihina ang mga tuhod ko. Tila nawalan din ako ng lakas para itulak sya.
"I'm sorry, I'm not Dan Romer nor Doctor…"
Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya.
Umurong ako at nakipagtitigan sa kanya. Ang mga mata nyang mapungay.
Humugot sya ng buntong hininga at inilabas ang mga salitang di nya nakuhang sabihin kanina.
"My real name is Deil Anthony Nathan Romer De Ayala… the heir of De Ayala Empire"
Kahit ayokong magpakita ng emosyon.
A tear fell from my eye.
Stupid Lin.
He wore the mask better than you did.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...