Chapter XXVI: "WAG KANG TUMAWA KAPAG CORNY"
Hi MADlang readers! Ako nga pala si Polinda De los Santos De los Reyes.
Lin nalang ang itawag mo para maikli. Namiss mo ba yung ganitong introduction ko?
Si author kasi puro kadramahan sa buhay ang alam. Nakakagagod kayang umiyak try mo.
Sa sobrang daming dagok sa buhay ko, wala man akong black-eye pero pakiramdam ko lasug-lasug na ang kaluluwa ko.
Lagi kong nilalabanan ang pagsubok nang mag-isa. Hindi ko nalalaman na itinutulak ko nadin papalayo ang mga taong nagmamalasakit sakin.
Sila yung tinatawag na kaibigan, pero mas itinuring ako na isang miyembro ng pamilya.
Unang-una si Manong Pido, dating basuraman na itinuring na kong anak.
Si Ate Rosalinda, na tumayong nakakatandang kapatid ko kahit hindi ako kaano-ano.
Si Erl na feeling kuya ko.
Si Ken-ken, na lagi kong kasama. Sa lungkot man o saya.
Sina Ram at Boy.
Sina Zel, Harvey at Phil.
na tinanggap ako bilang ako.
At si Dan.
Nasan na nga ba si Dan?
Matagal-tagal nadin nang di sya nagpakita samin. Anung problema nun?
Isang linggo nadin simula nung maconfine ako. Pampam lang si Manong Pido eh.
Ayon sa balita, na-cremate nadaw si Alden at confidential pa daw. Tumawag lang saken si Cassey at kinamusta ako.
Si Ate Rosalinda mukang sya dapat ang ma-confine. Malma na pag-eemote nya.
Boy: Pandak!?
Lin: panira ka talaga nang moment. Bwiseet
At binatukan ni Ate Rosalinda si Boy. Ha-ha! Buti nga sayo!
R.l: Siraulo ka talaga! Ihagis kita sa bintana dyan eh.
Boy: Ah, sorry na.
R.L: Nasan si Pogi? Sabihin mo papatayin ko sya pag di sya pumunta dito. Text mo din si Anemic, sabihin mo dalhin nya kotse nya aalis na kami dito. Bilisan mo! Naiinip ako!
Boy: Opo, master.
Lin: Sawakas makakapasok nadin ako sa school.
Rl: Baby Dada? Ok ka na ba talaga?
Lin: Oo ate. Gusto ko nang pumasok sa school.
Rl: Anlaki-laki na nang baby Dada ko. Hindi ka ba inaaway nitong mga to?
At hinatak ang kwelyo ni Boy.
Boy: hindi po ako lalaban master.
Rl: Good.
Boy: Master, natawag po si hunter. Sasagutin ko lang po.
Rl: Sige, sabihin mo naiinip na ko. Si pogi nasaan na?
Boy: Otw na yung si Erl nagmomotor lang yun eh. O kaya naglalakad lang. Si Hunter malapit na daw. Di daw sya nagdrive, may kasama daw syang driver.
Rl: Ah. Excited na ko madami kasi akong pasalubong. Nandun pa sa box ko.
Boy: ako Meron?
Rl: Meron, Upper-cut tsaka right hook.
Boy: Aw, no thanks master.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...