LIN2: HALLOWEEN

85 9 0
                                    

Halloween Special: "HULAAN MO ANG PAMAGAT"

Mayroon sa dilim na di mo makita.

Kwento ng pag-ibig na hindi maganda.

Pag-ibig na wakas, at pag-ibig na wagas.

Nilamon ng dilim at naligaw ng landas..

Ngunit hindi lahat ng pag-asa'y nawala

Anong misteryo nga kaya dito'y nagmula

Pitong kapangyarihan ang ngayong nakawala

Handa na ba kayo? Eto na ang simula.

--

Hi ebriwan! Ako nga pala ang Mr. Pogi ng Laguna. Da wan en onli. April Boy Aquiiiino! Yo, yo, yoh!

Ehem, teka? Nasan nga ba 'ko? Pano 'ko nakapunta dito?

Medyo madilim na kalsada at talahiban lang ang nakikita 'ko.

Sabagay, sanay na naman akong maglakad at magpalaboy laboy kung saan saan at ikalat ang aking kagwapuhan at ipamahagi sa mga nangangailangan.

Diba?

Sobra-sobra na kasi 'yung kagwapuhan ko.

Sabi nga diba? Syer yor blesin?

Hayaan mo na 'yung ispeling.

Gwapo ako.

At tama na 'yon. Muehehe

Pero ang gwapo, naliligaw din.

Nasan na nga ba 'ko?

Tamang lakad pa ako ng makaabot ako sa isang cafe.

Pagpasok ko, tumunog ang bell na naka kawit sa pintuan.

Tinignan ko ang paligid.

Maganda ang lugar, kaya lang.

Madilim.

Aakalain mo na si Lin ang may-ari.

Boy: Tao po?

Mahinahon kong tanong.

Creeeeek!

Wirdong tunog ng kahoy na sahig.

Nakarinig pa 'ko ng yabag.

Pero walang dumadating na tao.

Aym skerrd! O__O...

Boy: t-tao po? M-may tao po ba dyan?

Creeeeek

Tunog nanaman ng sahig sa 'king paghakbang.

Eeeeek

Nakakakilabot talaga ang tunog ng sahig sa bawat pag-urong ko.

Nakaramdam ako ng pader saking likod kaya naman napabalikwas ako ng tingin.

(O_o)

"AAAAAAAAH!"

Boy: Waaaaaaah!

Sigaw namin ng nilalang na hinarap ko dahil inakala 'kong pader.

Teka?

Si Erl 'to ah. ( / _-)

Badingerzi.

Ayaw parin nyang tumigil sa pagsigaw kaya umurong ako.

Baka magbromance segment kami ng wala sa oras.

Boy: hoy Erl!? Ano!? O.A. lang!? (﹋o﹋)

Erl: baliw ka ba!? Tinapakan mo 'yung paa ko! G@go ka!

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon