Poem 79

23 1 0
                                    

Bahaghari
Isinulat ni Jen

Noon, dalawa lang ang kulay ng mundo.
Bughaw at rosas, ganon ang pag-uuri nito.
Bughaw para sa mga matitikas at matipuno.
Rosas para sa mga mahihinhin at pino.

Ngunit nang ako'y magkaisip.
Di ko mawari o sadyang malikot lang ang aking isip.
Tila ang hangin ay dahan-dahang nagbago ng ihip.
Sa dalawang kulay ay tila ba naiipit.

Bata palang nang maramdaman ay iba.
Madalas ko silang kasama.
Mababait, mahihinhin at magaganda.
Noon akala ko simpleng pag-iidolo lang, hindi pala.

Kapwa ko sila babae pero bakit ganito ang nadarama?
Pwede palang magkagusto din ako sa kanila?
Nagsimula lang sa paghanga
Ngayon gusto ko na rin sila makasama.

Hindi ko alam o baka dala lang ng maitim na nakaraan ito
Masasama at masasakit na eksperyensa ko sa bughaw.
Umabot pa sa puntong matatagpuan ko pala ang kulay ng itim.
Walang katapusang dilim, gabi at pagkulimlim.

Ngunit sa bawat gabi ay may araw.
Napagtanto kong sa bawat ulan ay may bahagri.
Tulad ng bahaghari, tayo'y may iba't ibang kulay din.
Pwede tayong maging pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, lila at iba pa.

Nasa sa atin kung ano ang kulay na sa ati'y magrerepresenta.
Ang mahalaga sarili nati'y mahal at kilala.
Mataas ang respeto at pagpapahalaga.
Sapagkat anong kahalagahan ng kulay mo kung di mo naman ito kilala.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon