Poem 71

280 3 0
                                    

Paalam matalik na kaibigan
Isinulat ni Jen

"Paalam" salitang ayaw kong marinig ni minsan.
Salitang di mo malalaman kung kailan.
Kung kailan maisasambit sa'king mga tainga.
Nagdarasal ma huwag naman sana.

Nagsimula tayo bilang isang estranghero.
Nagkapalagayan ng loob, pagkakaibiga'y nabuo.
Naaalala ko pa nga dati ika'y asar talo.
Pero ni minsan hindi tayo nagbago.

Nangako na hanggang pagtanda, kahit uugod-ugod na.
Mananatiling magkasangga sa hirap man o ginhawa.
Magkaagapay sa lahat ng bagay.
Mananatiling magkaibigan, habambuhay.

Ngunit sakit mo'y inagaw ka sa'kin.
Pinahina ang iyong resistensya, hindi ang pagkakaibigan natin.
Nanatili akong matatag sa'yong tabi.
Magkasabay na lumalaban sa'yong sakit.

Ngunit bakit salita'y sinambit.
Kahit nahihirapang magwika.
Isang salita'y pilit iwinika.
"Palaam na, sa susunod ulit nating pagkikita."

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon