Poem 74

349 3 0
                                    

Limang bilang bago mabigo
Isinulat ni Jen

Una, nagsimula sa pagpuna,
sa maliliit na bagay na iyong ginawa
o sa simpleng bagay na para sa akin ay katawa-tawa. Pero sino nga bang mag-aakala,
ito'y hahanap-hanapin ko pala.

Pangalawa, pangalawang beses kong sinubukan na pagtripan ka lang ngunit 'di ko mapigilan ang aking sarili ikaw ay aking minahal, oo minahal! Minahal kita ng hindi ko alam ang dahilan. Minahal kita ng hindi mo nalalaman.

Pangatlo, tatlong beses kong inulit sa sarili ko. Bakit ikaw at bakit hindi na lang ako? Bakit siya at bakit hindi na lang tayo? Uulitin ko ulit ng isang beses para sa...

Pang apat na dahilan ay baka sakaling aking malaman na kung gaano ba kagulo ang mundong ating ginagalawan, mundong dapat ay atin lamang ini-easyhan.

Pero sa pang-lima, sa limang beses na sinaktan ka niya, nandito ako, ang iyong naging kasama. Ginamit ang likuran ng iyong mga palad para patilain ang ilog na nanggagaling sa iyong mata ngunit sa panyo ko lamang siya nakinig at sa balikat ko'y nagpaubaya.

Siguro talagang ganito,
Di ko akalain ito ang kahahantungan ng tulang 'to.
Akala ko kasi ikaw na talaga.
Di ko akalain na mawawala pa pala ang nadarama.
Pero wala tayong magagawa.

Kasabay ng pagtitiis mo sa kaniya dahil siya ang 'yong tunay na sinisinta.
Ay tiniis ko rin ang sakit na nadarama at binuhay nang muli ang pusong naging patay sa'yo.
Na bago magpatihulog ay hindi inisip kung may sasalo ba rito.
Kung mapapangalagaan ba ito.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon