Poem 20

768 4 0
                                    

Babala sa Abala
Isinulat ni Jen

Pre, naiintindihan ka niya kung parati kang wala
Maiintindihan ka dahil mahal ka niyang talaga
Hihintayin kahit mamula pa ang mga mata
Mamula sa gabi-gabing pag iyak niya.

Pre, kakayanin niya dahil kakayanin mo diba?
Mananatiling tapat kahit talo na sa umpisa
Mananatili sa iyong kalinga
Kahit nakakapagduda kung mayro'n nga ba?

Sa bawat "Okay lang, naiintindihan ko."
Ay may isang "Hindi ko maintindihan, ipaliwanag mo."
Sa bawat "Kaya ko." ay may pagdududang nabuo
"Kaya ko nga ba 'to? Tila ba'y solo."

Habang abala ka, siya'y nag aalala.
Habang nakakalimut ka, di ka maalis sa isip niya.
Habang tulog ka, siya'y gising na nag iintay sa'yong pag alala.
Ni minsan ba'y naaalala mo't nag aalala kaba sa ka niya, o naging kampante ka dahil alam mong nandiyan lang siya.

Darating din ang panahon maaalala mo na siya, ngunit makakalimutan ka na niya.
Tila ba bilanggo kang mulat na mag iintay sa kaniya habang matutulog siyang malaya.
Maiisip mo siya ngunit wala ka ng puwang sa utak niya.
Mag aalala kana sa kalagayan niya, ngunit siya'y nag aalala na sa iba.

Kakayanin mo lahat katulad ng pagkaya niya ngunit siya'y sumuko na.
Sa bawat kaya mo pa, siya'y huminto na.
Sa bawat "Ipapaliwanag ko" wala na siyang pakialam sa mga dahilan mo.
Sa likod ng "Okay lang naiintindihan ko" ay ang pagtanggi niya sa pangatlong pagkakataon na hinihingi mo.

Prinsesang naging mandirigma para sa'yo.
Ngunit hindi ito nakita't sinayang mo.
Lihim na naging baluti't kalasag mo.
Kahit alam niyang sa laban niyo'y siya ang dehado.

Maririnig mo na lamang na hihilingin ang kalayaan niya, maging ang paglimot mo sa kaniya.
Siya'y muling magsasalita "Okay lang naiintindihan ko, ngunit ako naman ang intindihin mo."
Ika'y nakalimot na nagmahal ka ng tao.
Nasasaktan, napapagod rin na kagaya mo.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon