Poem 53

277 1 0
                                    

Lubog
Isinulat ni Jen

Sa tagal ng panahon.
Habol hingang ako'y umahon.
Matagal rin palang hinayaang malubog.
Sa mga problema'y hinayaang magpakuyog.

Ilang panahon ding sumabay sa alon.
Alon na siyang lumamon.
Sa buo kong pagkatao.
Para maging lugmok ng gan'to.

Madali lang namang sabihing "Okay lang yan. Kaya ko yan."
Ngunit kaya nga ba? O hinayaang kaya-kayanin lang?
Okay nga lang ba? O nagpapanggap ka lang para sa iba.
Para hayaan ang mga utak nilang isiping ayos ka lang.

Sa bawat ngiti may pait.
Sa bawat halakhak ay ang paglagapak.
Sa ibaba, pailalim ng pailalim.
Nanganganib na walang ni isang makakasagip sa akin.

Hinayaang matalo ng isang minuto.
Nagbalik ang mga ito ng libo-libo.
Mali sigurong panghinaan ng loob kahit saglit.
Sa puso'y, kakaibang sakit ang pumupunit.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon