Poem 19

740 5 0
                                    

Hindi ako bitter
Isinulat ni Jen

Hindi ako bitter sa mga salitang binitiwan mo sa'kin
Na hanggang ngayo'y nanatiling nakaukit parin
Maging sa isip, kahit kalimutan ma'y naisin
Wala paring nagbago, ikaw at ikaw parin.

Hindi ako bitter sa mga gawain mong aking nakasanayan
Dahil ang sarili ko mismo'y aking hinayaan
Na ika'y makapasok sa puso ko't pabayaang
Ika'y aking maging sandalan.

Hindi ako bitter dahil sa paggawa ko ng tulang ito
Nais ko lamang iparating sayo
Na sa kakaunting inialay ko't isinakripisyo
Batid kong hindi ako nagkulang sayo.

Ang hayaan ka lamang na maging bahagi ng buhay ko
Ang ialay ang puso ko ng buong buo at magtiwala sayo
Ay walang kapantay na bagay na maiaalay mo
Para mapalitan ito.

Sa'yo na yang relo, singsing, kwintas at libro
Walang bagay na makakapalit sa halaga ng nasira mo
Ang pag aari kong ipinaubaya ko sayo ng buo
Ang durog ko ng puso nang isinauli mo.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon