Magkaibang Mundo.
Isinulat ni JenNagkakilala ngunit hindi nagkita.
Nagkausap ngunit sa paraan ng pagbasa.
Nalulumbay sa isa't isa ngunit hindi madama.
Nagmahal ngunit tiyak at tunay nga ba?Nasimula sa mensaheng "Hi" ni-reply-an ko ng "Hello"
At doon na humaba at lumalim ang ating pag uusap
Sa sobrang lalim huli ko na ng napagtanto
Ako'y hulog na at tila ba di na maiaangat paNadaramang kakaiba ay pilit na isinantabi
Nagbabakasakaling mawala pa ito 'pag ipinilit.
Ngunit pambihira nga naman ang pagkakataon
Ika'y umamin at hindi itinanggi, pag-ibig na 'yong kinikimkim.Lubos ang aking tuwa at galak na tila ba umaapaw na ito sa sisidlan.
Kung saan ang sisidlan na iyon ay ang aking puso.
Sisidlang hawak-hawak at pagmamay-ari mo na
Dahil sa'yo ay aking bukal sa puso na iginawad.Segundo, Minuto, Oras, Araw at Linggo.
Bawat segundo ay sinusulit na para bang hindi lang kita makausap ng isang minuto ay labis na itong kakulangan sa mga oras ko na tanging ikaw lang ang laman ng isipan at tinitibok ng puso ko.
Kung saan kukulangin ang isa, dalawa o higit pang mga araw masambit at maipabatid ko lamang sa iyo kung gaano kita sinisinta.
Ngunit isa, dalawa. Dalawang linggo lang tayong nagtagal.
Ang tayong, dalawang linggo lang ang itinagal
Ay bumalik sa ikaw at ako ng dahan-dahan at mabagal.
Mabagal nakuha ng aking isipan na oo, wala na pala tayo.
Na oo, hindi na pala talaga tayo dahil ikaw na lang at ako.Nawala kang bigla at hindi mahagilap
Halos mapudpod na ang mga daliri sa pagtipa ng mga letra na bubuo sa aking mensahe na nais kong ipahiwatig kahit ikaw na lang at ako, wala ng tayo.Gusto ng aking isipan na palayain ka sapagkat sa ating dalawa, ako na lang pala ang nakahawak.
Nakahawak sa mga kamay mong matagal na palang bumitaw.
Kasabay ng pagbitaw, ay ang paglimot sa mga pangakong nilukot at ipinako.
Kasama ng mga pangakong dati na'y napako.Ngunit heto ang puso ko
Nagnanais paring mapasayo
Na kahit itaboy mo man hanggang dulo
Nanaisin ko paring bumalik sayoNgunit lumipas na ang mga panahon
Ang dating nakalubog, ngayo'y nakaahon
Pero heto parin ako, hindi makabangon
Iniinda parin ang sakit, kirot at hapdi ng kahaponNasaan ka man, ngayon
Sana'y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana'y naisip mo ako. 🎶Mga linyang aking isinipi sa kantang "Magkaibang Mundo ng Hale" kung saan bawat letra ng mga linyang 'yan ay tumatagos sa aking puso sapagkat pareho sila ng nais ipahiwatig nito na sana'y iyong mawari.
Ngunit hanggang dito na lang
Ang aking pagsasayang
Dahil matagal ng tapos
Ang kwentong tayo mismo ang tumapos
Ang tayo na naging ikaw at ako
Na malabo ng maulit sa pagiging tayo.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?