Saglit
Isinulat ni JenIsang gabing hindi malimutan
Ni hindi magawang kaligtaan
Dahil aking nalaman
Sinabi mong nararamdamanPagkahulog ay inamin mo
Ang sungit mo pa nga noon
Ika mo nga "Di mo style ang gan'to"
"Hulog na, ano pang magagawa ko?"Noong una, akala ko biro
Doon ka naman magaling, puro biro
Kaya hindi ko mawari kung saan 'yong totoo
Kung inamin mo ba'y totoo.Maraming beses mo sinabi
Pag ibig na inamin mo sa'kin
Ngunit hindi ko akalain
Na may matatapos dinPagkakaibigang tatlong taon ang itinagal
Hanggang sa ako'y iyong minahal
Huli ko na ng namalayan
Pagkakaibigang nasira ng tuluyan.Sabi mo ika'y manliligaw
Hahatdan parati ng isaw
Ngunit inabot lang ng dalawang araw
Ang panliligaw ay tila naligawIlangan ang pumalit sa nararamdaman
Nasira na ngang tuluyan
Pagkakaibigang ating pinanggalingan
Dahil sa pagmamahal na walang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?