Ina
Isinulat ni JenAnak nang dumating ka.
Puso ko ay sumigla.
Bagkus may kaunting kaba.
Pero namayani parin 'yong saya.Naghirap man sa mga nais mo.
Ngunit kinaya lahat nga mga pagbabago.
Mas ninais ko na maramdaman mo.
Pag-iingat ng isang ina na kaya ko.Sa 'yong paglaki, nalaman ko lagay mo'y mabuti.
Nariyan na ang tamang panahon para malaman ko.
Kasarian ng batang dinadala ko.
Makakabili na ng gamit na naaayon sa'yo.Nang ikaw ay paparating.
Kakaibang sakit ang dinaing.
Ngunit lahat ng ito'y kayang tiisin.
Mailabas ka lang aking supling.Paglabas mo sa mundo.
Labis ang tuwa ko.
Lahat ng sakit na aking tiniis.
Napalitan ng isang ngiting kay tamis.Nasubaybayan ang 'yong paglaki.
'Pag ika'y nagkakasakit, anak ako'y hindi mapakali.
Kung pwede lang lahat ay aking angkinin.
Huwag ka lang makita ng ganyan, aking supling.Sa paglipas ng panahon, ikaw na'y nagbago.
Nag-iba na ang iyong mga gusto.
Mas malapit kana sa mga kaibigan mo.
Ngunit nakita kong masaya ka, kaya't masaya na rin ako.Nang ika'y nagkadalaw na, grabe ang hiyaw.
Dalaga kana aking anak, sana 'wag ka munang magpaligaw.
"Mama" paulit-ulit mong hiyaw no'ng ikaw pa'y paslit.
"Mama" ang muling hiyaw nang ika'y makaramdam ng sakit.Lumipas muli ang panahon.
Tayo'y nakaahon.
Dahil ikaw ay nakapagtapos.
Nagkaroon ng buhay na maayos.Nilisan mo ang 'yong tirahan.
Paglalakbay ng mag-isa ay sinimulan.
Ako'y nag-iintay lang sa 'yong pagbalik.
Tunay nga na ako'y nasasabik.Sa pagbalik ipinakilala mo ang 'yong kasintahan.
Humantong sa pamamanhikan.
Hanggang tumuloy sa kasalan.
Anak, totoong buhay nga'y iyo ng sinimulan.Sa pagpapatuloy ng iyong buhay.
Mas lalong tumitindi ang aking lumbay.
Anak sana ako'y iyong maalala.
Buhay ko'y hindi walang hanggan, malapit na akong mawala.Natuwa ako sa aking nabalitaan.
Ako'y nagka-apo na't nakitang muli ang 'yong kasiyahan.
Ina kana gaya ng iyong ina.
Nawa'y naipamana ko sayo't mas mahigitan pa ang aking pagiging ina.Ngunit dumating ang araw na hindi inaasahan.
Pareho kaming nagkasakit ng iyong iniingatan.
Ayaw kong mamili ka sa pagitan ng pagiging anak at ina.
Dahil anak ang paniguradong uunahin ng isang ina.Sa 'yong pagdalaw, humingi ka sa'kin ng paumanhin.
Sinabi ko, "Ayos lang aking giliw." mga kamay ay inabot, mataman ang aking tingin.
At nag wika sa aking anak na dati'y supling.
"Alam kong kaya mong mawalan ng magulang ngunit hindi ang iyong supling."
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?