Poem 68

277 0 0
                                    

Pintig
Isinulat ni Jen

Halika na't makinig.
Sa'yo ko lang iparirinig.
Bumibilis na pintig.
Sa'king puso'y nananaig.

Huwag kang bibitaw at sa aki'y sumama.
Sa distinasyong walang kasiguraduhan, pakiusap huwag kang papara.
Maniwala lang sa'tin, sa mundong abrakadabra.
Isipin lang ang tama, sa likod ng mga taong may pagdududa.

Sumabay ka lang sa agos kasama ko.
Pagod rin ay matatapos, mapagtatagumpayan natin 'to.
Magpahinga lang kapag pagod.
Sa problema ay 'wag palulunod.

Kung sa tingin mo'y ito na ang simula.
Aba'y tama ka ng hinala.
Hindi man ako gano'n kagaling na makata.
Pero sana nailagay ko lahat dito ng tama.

Iniisip mo'y tama.
Inuunahan ko na nga.
Pwede ba?
Oo o Oo na?

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon