Poem 52

297 0 0
                                    

Tuloy lang
Isinulat ni Jen

Malungkot ka nanaman, kailan ka ulit sasaya?
Iniwan ka niya, ano naman ngayon 'diba?
Hindi naman siya ang 'yong pangunahing pangangailangan.
Na kung mawawala ay tiyak na ang 'yong kamatayan.

Tuloy lang sa buhay kasi ang mundo'y hindi nakahinto.
Tulad natin, kailangan gumalaw. Saan nga ba tutungo?
Saan pa, kundi sa ating patutunguhan.
Na Siya lang ang nakakaalam ngunit mayro'n ng kasiguraduhan.

Marami mang tanong ngayon sa'yong isipan.
Bakit hindi mo na lamang ilaan 'yan sa'yong mga kaibigan?
Iyong mga kaibigan na kahit kailanma'y hindi ka iniwanan.
Sa ginhawa man o kahirapan.

Tuloy lang dahil ganiyan ang tunay na buhay.
Kailangan mong makaramdam ng sakit upang malaman na ika'y buhay.
Kailangan mong humarap ng problema nang sa gayon ay tumapang.
At maiwan para matutong tumayo sa pagkakagapang.

Tuloy ka lang dahil hindi man niya nakita ang 'yong tunay na halaga.
Kung paano iyon iningatan ng 'yong mga magulang at mga kasangga.
Nariyan Siya na makatutulong sa'yong iparamdam kung sino ka.
Kung ano ka at gaano ka naiiba sa mga nilikha niya.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon