Poem 10

1.2K 10 0
                                    

Sampung Hakbang
Isinulat ni Jen

Hakbang na walang kasiguraduhan
Hakbang na walang tiyak na papadparan
Mga hakbang na dapat panindigan
Mga hakbang na hindi malilimutan.

Simulan natin sa limang hakbang
Limang papalayong hakbang
Kung saan akin pang tinitimbang
Kakayanin bang panindigan ang aking hakbang.

Unang hakbang papalayo sayo
Sinisimulan ng wag isipin ang mga bagay na nagpapatungkol sayo
Mga bagay na dapat ay matagal ng inilayo
Sa mga bagay na wala lang pala para sayo.

Pangalawang hakbang papalayo sa mga ala-alang kailangang makalimutan
Sa mga ala-alang di man nais kalimutan
Ay dapat magawan ng paraan
Dahil ako lang naman ang mahihirapan

Pangatlong hakbang papalayo sa mga pangako mong binitawan
Na natutunan ko ng pahalagahan
Sapagkat ikaw, siniguro mong papaniwalain ako
Sa mga pangakong hanggang salita lang na kailanma'y wala ng katuparan.

Pang apat na hakbang papalayo sa pagmamahal na pinanghahawakan ko pa.
Ngunit ngayo'y bibitawan na.
Kasabay ng pabitaw mo sa'kin
Ng walang pasubali.

Panglimang hakbang na magpapalaya sa'kin ng tuluyan
Ang pagtanggap sa isang bagay na tapos na
At hindi na maisasalba pa
Dahil ang ikaw at ako na naging tayo ay nawala na.

Ngunit sa huling hakbang na sana'y magpapalaya
Ng tulyan sa pusong di na kinaya
Ang pagpapakatanga sa kaniya
Ay hindi mo hinayaang sayo'y makalaya.

Dahil sa limang hakbang papalapit sayo
Pinaramdam mong muli na ako'y iyo
Na sa puso ko'y walang ibang makakaangkin nito
Kundi ikaw lang na talagang laman nito.

Unang hakbang papalapit sayo
Na muling makapagbibilanggo
Sa pusong muling tumanggap ng pag ibig mo
Kahit ang kapalit man nito ay maging tanga sa iyong pagsuyo.

Pangalawang hakbang papalapit sa pagmamahal na muli kong hinawakan
At nagdesisyong muli na h'wag bitawan
Di katulad ng naging desisyon ko na iwan
Ang pag ibig na pinabayaan.

Pangatlong hakbang papalapit sa mga pangakong muli mo nanamang binitawan
Na sisimulan ko nanamang pahalagahan
Dahil sa pagkakataong ito iyong pinangakong hindi na bibitawan
Ang pangakong nabasag na at ipinipilit mong muli kong paniwalaan.

Pang apat na hakbang papalapit muli sa mga alaalang ating pinagsaluhan
Sa mga alaalang sabi mo'y ating magiging sandigan
Patungo sa walang hanggan
Na pareho nating inaasam.

Panglimang hakbang na sasalubong muli sa mga yakap mo
Na ako'y muling nagpasakop
At tinanggap na ang aking pagkatalo
Dahil hindi ko kinaya ang malayo sa'yo

Sana nga'y tama ang ginawang desisyon
Na mapasayo muli ang aking puso
Na minsan mo ng sinaktan
Ngunit mas hinangad ko muling ika'y mahagkan.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon