Poem 64

259 1 0
                                    

Tapos kana
Isinulat ni Jen

Dadalhin kita sa pinakamadilim na sulok ng kailaliman.
Kung saan wala kang masasagap kahit hangin manlang.
Itatapon kita sa kalupaang wala ni anumang halaman.
At ang tanging naroroon ay mga kalansay lamang.

Ikaw ang solong mamamalagi roon.
At di mo mamamalayan ang panahon.
Dahil ni kahit bituin ay hindi mo masisilayan.
Ipagkakait ko sa'yo ang kalangitan.

Ipinapangako kong susumpain ka ng buwan.
At ang araw, ikaw ay kaniyang pagtatawanan,.
Uupo, tatayo, maglalakad, 'yan lang ang iyong magagawa roon.
At ang mga pulang uod mula sa maalikabok na lupa ay aahon.

Paunti-unti nilang kakainin ang iyong laman.
Hanggang sa magmakaawa kang papatayin na lamang.
Hilingin mo man ang iyong ikalawang kamatayan.
Pero sinasabi ko sa'yong di mo makakamit ang iyong kalayaan.

Kahit luluhod, luluha ka pa't magmamakaawa.
Hindi-hindi ka na makakatikim ng aking awa.
Tapos na ang panahong ika'y pinagbibigyan.
Tapos na ang panahong puro "ikaw lang".

At heto na at sa iyo'y bumabalik.
Tanggapin mo na lamang nang may pananabik.
Dahil ito pa lang ang simula ng lahat.
Mahuhulog ka na at di na kailanma'y makakaakyat.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon