Poem 14

982 8 0
                                    

Special pero hindi mahal
Isinulat ni Chris

Unang beses tumibok ang puso ko
No'ng ang salitang "wife" ay binigkas ng labi mo
'Di ko alam kung kikiligin ba ako
O pipigilin na lang baka biro lang ito
Hindi ko alam kung kailan at pa'no
Basta ang alam ko special na'ko sa'yo
Yong kada umaga ang bubungad ay ang mga banat mo
Na kung saang baul matagal na itinago
Yong kada minuto papakiligin mo ako
Dahil nga 'yon ang trip mo
Lumipas ang mga araw at linggo
Hanggang sa tuluyang nahulog sa'yo
Ngunit sa kasamaang palad hindi mo sinalo
Siguro andyan ka lang para pakiligin ako
At ituring na "SPECIAL" para sa'yo
Ngunit hindi ang "MAHAL-in" ako.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon