Pag-ibig na bulag
Isinulat ni JenMinsan naisip ko, bulag ba ang Diyos?
Dahil hindi niya pinansin ang mga kasalanan ko.
Dahil kahit na madumi ako, naramdaman kong niyakap niya ako.
Dahil kahit na patuloy parin siyang lumalapit kahit na ako ay lumalayo.Dahil minahal niya ko kahit na hindi ako perpekto.
Pero hindi pala siya bulag, kundi ang kaniyang pag-ibig.
Dahil kahit na gaano ako kaliit sa gitna ng kalawakang napaliligiran ng malalaking bituin,
Iyong mga mata niya patuloy na nakatuon sa akin.Dahil inabot niya ang aking mga kamay sa panahong ako ay nadapa.
Ako ay inakay upang hindi na muling mangamba.
Ako pala, ako pala 'yong bulag dahil sa kabila ng pagpapatawad, ng yakap, paglapit at pagmamahal niya,
hindi ko siya nakita.
Hindi siya bulag dahil siya mismo ang nagmulat at naghilom sa damdamin kong bulag.Unti-unti nakita ko 'yong liwanag na para sa akin ay kanyang nilatag.
'Yong liwanag na nagsasabing 'wag kang mabagabag.
'Yong liwanag na hindi maglalaho hanggang sa wakas.
'Yong liwanag ng dakilang tagapag ligtas, na may pag-ibig na bulag at wagas.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?