Poem 73

317 1 0
                                    

Lamat sa'ting dalawa
Isinulat ni Jen

Pinilit kong ibaling pagtingin ko sa iba.
Upang ang isang tulad mo ay malimot ko na.
Iyong mga ngiti ay pinagwalang bahala.
Upang hindi na mahulog ng sobra.
Iyong lambing at pag-aalala.
Na nagpapahulog sa'kin ng sobra.
Ang 'yong mga mata na parang ayaw mo 'kong mahulog sa iba.

Ngunit bakit parang mali?
Iba ata mga kilos mo't ngiti.
Umasa lang ba sa aking pakiwari.
Umasa lang ba na ako ay iyong tinatangi.

Isang araw, isang linggo.
Bakit lahat ay nagbago?
Bakit tila sa'kin ay ayaw mo?
At ikaw ay unti-unting lumalayo?
Minahal kita ng higit pa sa sapat.
Ngunit ibinalik ng salat na salat.
Pag-ibig na tila ba inalat.
Pagkakaibigan na nagkaroon na ng lamat.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon