Hindi nagkulang, hindi nakuntento
Isinulat ni JenSiguro nga ang tanga ko.
Siguro nga ang laki kong gago.
Kasi iniwan ko 'yong taong minahal ako ng todo.
Tinalikuran ko 'yong taong walang ibang inisip kundi ako.Sinayang 'yong mga sandaling kasama ka.
'Yong mga sandaling ako'y napapangiti mo sa simple mong gawa.
Simpleng gawa na nagiging mahalagang aksyon na.
Aksyon na may malaking desisyong kaakibat na.Hindi ko man lang nakita ang iyong halaga.
Hinanap ko sa iba ang mga hindi mo naipadama.
Pinaramdam ko sa'yo na hindi ka sapat.
Kahit ang totoo ay ibinigay mo na ang lahatSa lahat ay hindi ka nagkulang.
Ibinigay lahat kahit 'yong nga bagay na kung tutuusin ay hindi naman kailangan.
Nang ang pagmamahal ay maiparamdam.
Sa puso kong tila naglamlam.Huwag ka sanang mag-isip ng kung ano man.
Sana'y naging malinaw sa'yo ang 'yong mga nalaman.
Hindi ka nagkulang mahal, hindi lang talaga ako nakuntento sa 'yong mga nakayanan.
Ninais na maghangad pa ng higit sa kailangan.Patawad mahal kung hindi ko natupad ang mga pangako ko.
Ngayon ay nagsisi na ako.
Pero ang importante ay masaya ka na dahil may nagpapasaya na sayong iba.
Na hamak na malayo sa pagpapasaya ko noon sa'yo diba?
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?