Magkabilang Mundo.
Isinulat ni JenGigising ako't matutulog ka
Matutulog ako't gigising ka
Kailan kaya tayo magtutugma
Kung ang gabi ko'y sayo'y umagaKung hindi natin magawang sabay daanan ang buwan
Kung hindi tayo kayang ipagsabay ng araw na sikatan
Kung hindi natin pwedeng ipagdiwang ating okasyon ng magkasama
Kung hindi pa tayo maaaring magsamaMahal lagi mo lang sanang tatandaan
Pareho lang tayo ng lupang inaapakan
Parehong hangin ang ating hinihingahan
Tibok ng ating puso'y isa't isang pangalanMahal tayo ma'y magkalayo
Gagawin lahat, pagibig'y mapasayo
Maiparamdam lang na ako'y iyo
At walang makapaglalayo ng sa'kin sa sa'yo.Sinimulan natin sa ako at ikaw
Titibay at magtatagal ito sa tayo
Uusbong ito sa atin
At sana'y magbunga ng siya, kung pagpalain.Wala mang walang hanggan
Titiyakin kong ang atin ay magkakaroon
Ng mga bagay na 'di sila nagkaroon
At ito ay ang panghabambuhay na mayroon tayo ngayon.Dahil mahal walang forever, life time lang.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?