Poem 49

324 2 0
                                    

Basa nanaman
Isinulat ni Jen

Maalinsangan ang panahon.
Malakas na ulan nanaman ang nagbabadya ngayon.
Di kalauna'y lalamig na rin 'to.
Kagaya ng panlalamig niya sa'yo.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Ay ang pagbuhos ng iyong nararamdaman.
Na sa likod ng iyong mga tawa't ngiti.
Ay nariyan ang mga mapapait mong sinapit.

Mga mapapait mong sinapit na kahit pa sabihin nilang tama na.
Ika'y patuloy pa rin sa pag-arangkada kahit ika'y kapos na.
Kapos sa paghinga dahil sa tirik na araw na iyong iniinda.
Kasing tirik at init ng araw ang ulo niya 'pag ika'y kasama na.

Bakit nga ba gano'n?
'Pag kasama niya'y iba, ngiti niya'y abot tainga.
Pero kapag ikaw ang nariyan at umaalalay sa kaniya.
Tila ba mali lahat ang 'yong ginawa.

Nagbago na nga ba?
Kasabay ng pagbabago ng panahon na kanina'y maaraw pa.
Ngunit ngayo'y papaulan na.
Nagbabadya nanamang mambasa ng isang mambabasa.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon