Poem 66

265 0 0
                                    

Akin na
Isinulat ni Jen

Kapag kailangan ka niya, hinahayaan kitang mapunta sa kaniya.
Kapag nariyan siya, inaasahang dito'y wala ka.
Kapag nahihimbing siya'y heto ako't nag aalala.
Dahil nariyan ka sa kaniya, at ako'y puyat na nag-iintay sa'yo sinta.

Minsa'y naiisip ko.
Hindi naman ito 'yong pinangako mo.
Na dapat dalawa lang tayo.
Pero ba't nariyan siya't nakisalo.

Mali pala, ako ang nakisalo.
Siya ang nauna at hindi ako.
Ngunit sa pagbabalik mo.
Pakiramdam ko ako lang kapag magkayakap tayo.

Nagising sa panandaliang pagkakaidlip.
Dahil sa banayad mong halik sa aking labi.
Narito ka nanaman at ako nanaman.
Sa wakas, ngayon akin kana.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon