Poem 15

971 7 0
                                    

Paalam
Isinulat ni Chris

Paalam
Salitang pilit kong iniiwasan
Ngunit kahit anong iwas ko dumating pa din sa puntong ito'y aking mapakikinggan
No'ng araw na ika'y nagpaalam
No'ng sinabi mong hindi mo na kaya
Dahil ako'y iyo ng nasasaktan
Dahil ayaw mo na akong mahirapan
'Yong araw na ako'y iyong tinalikuran
Tinawag ko ang iyong pangalan
Umaasang ako'y iyong babalikan at sasabihing "JOKE LANG MAHAL 'DI KITA IIWAN"
Ngunit 'di ka lumingon
Patuloy ang iyong paghakbang
Na parang wala sa plano mong ako'y balikan
Tinatanong sa sarili
Saan ba ako nagkulang?
Patuloy sa pagpatak ang aking mga luha
Na walang tigil sa pagkawala
Hanggang dito nalang ba talaga?
Ang kwento nating dalawa na tinapos mo sa isang malupit na "PAALAM HANGGANG DITO NALANG."

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon