Tamis ng kaniyang paalam
Isinulat ni JenMinsan nating sinimulan.
Relasyong walang kasiguraduhan.
Ewan kung bakit ito ang kinahantungan.
Pero kahit gaano iwaksi, ikaw lang ang kailangan.Maayos naman sa agahan.
Nagkausap naman at nagkamabutihan.
Tumatawa na animo'y parehong lumalaban.
Ngunit wari ba'y 'di ako ang 'yong kailangan.Halina't sumahin nating muli.
Kung saan nga ba nagsimula itong huli.
Kung paanong ikaw at ako'y dito nauwi.
Para bang sayo'y gano'n na lang kadali.Minsan kitang naiwan ng walang paalam.
Sa kadahilanang mahirap ipaalam.
Pero anong magagawa ko, kung ang nais ko lang naman ay ako lang ang makaalam.
Na animo'y sadya nga akong maalam.Hindi naman nagtagal.
Binalikan kita kahit gaano pa katagal.
Ngunit para sa'yo pala'y mabagal.
Nainip ka't iniwan akong pagal.Katulad ng iyong ginawa.
Tinanggap ko rin ang aking pag-iisa.
Walang ibang ginawa kundi ang intayin ka.
Pinilit maging masaya kahit kulang ka.Ngunit sa'yong pagbabalik.
Tila nagbago na 'yong dating pananabik.
Nag-iba na 'yong init.
Pati 'yong malambing mong kapit.Ano bang mayro'n?
Ikaw ba'y mayro'n?
O sadyang nagkaroon kana.
Nagkaroon ng bago, kaya't nanlamig ka.Sa kabila ng mga pagbabagong hatid.
Pilit ko paring isinantabi't nakuntento sa'yong giliw.
Sa kakarampot na init na iyong maibabagi.
Pilit na pinagkakasya 'yong relasyon nating naglalamig.Pero bakit? Bakit ka tumawa't nagpaalam?
Akala ko nama'y may gagawin ka lang.
Hindi man lang inintay ang aking ganti sayo'ng mensahe.
"Paalam mahal, mahal kita ng walang pagsisisi."
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?