Poem 67

276 1 0
                                    

Naiwala
Isinulat ni Jen

Sa kababantay sayo.
Hindi namalayang may pinakawalan ako.
Sa kababalik sayo.
Hinayaang siya'y lumayo.

Sa kaaasa ko sayo.
May napaasa ako.
Hinayaang malilo.
Sa kapraningang ito.

Sa huling sandali.
Naiwala ko 'yong na sa'king tabi.
Kadudungaw sa langit.
Na sana, ika'y muling masungkit.

Muling kakapit sa tula.
Para makalimutan ang pagkawala.
Ng isang bagay na madalas ng makita.
Pero ni minsan, hindi naingatan at iniwala.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon