Libro
Isinulat ni JenLibro na naging buhay ko.
Bawat pangyayari ay nakatala rito.
Pag-angat at pagbaba ko.
Sa mga kabanata'y naisalaysay ito.Kabanata na siyang naging saksi.
Kung paano tumaya at nagsisi.
Sa mga desisyong ginawa sa loob ng panahong maiksi.
Tanging tinta lamang ang makakapagsabi.Tintang gumagawa at naglalahad.
Ng mga bagay na may tiyak na bayad.
Mga kapalit sa pagiging pabaya.
Ang paggawa ng mga maling hindi maitatama.Maari man nating mabura.
Yong saktong salita sa pamamagitan ng tinta.
Ngunit ito'y mag iiwan lang ng kakaibang marka.
Na magbibigay mantsa sa kabuuan ng 'yong akda.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?