Poem 12

1K 8 0
                                    

Pansamantala
Isinulat ni Chris

Pansamantala,
Pansamantalang pagpapakatanga,
Pansamantalang pagpapakasaya,
Buong akala ko sa dulo ay tayo na,
Ngunit pansamantala lang pala,
Pansamantalang pagpaparamdam sa akin na "SPECIAL KA"
Yong bawat umagang pagpaparamdam sakin na "SPECIAL KA"
Sa pagbati lamang ng simpleng magandang umaga sinta,
Sa pagpapaalalang kain na wag kang magpapagutom ha?
Yong sa tuwing napapagod ako ika'y nagpapaalala
Yong sa t'wing may sakit ako may nag aalaga,
Yong sa t'wing may problema ako may nagpapaalala,
Nagpapaalalang magiging ayos lang sinta,
Ngunit ang lahat ng ito'y pansamantala lang pala
Ang katotohana'y pagmamay ari kana ng iba
At ang turing saki'y kaibigan lang sinta
Sana di mo na pinaramdam pa
Kung ang lahat ng ito'y pansamantala lamang pala.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon