Poem 78

178 2 0
                                    

Pighati
Isinulat ni Jen

Nandiyan ka, Oo nandiyan ka lang
Balang araw maiintindihan mo rin yong ibig kong sabihin.
Kung ganyan kakitid ang utak mo hindi mo yon kasalanan.
Habang sila'y nakaiintindi ikaw ang nananatiling mangmang.

Pag naintindihan mo na tong lahat wag ka sana magsisi na wala na ako.
Sa sobrang sakit nakakamanhid pala 'to.
Malay mo sa pagtulog ko sa gabi inalis na sakin lahat ng sakit.
Pagising ko sa umaga hindi na ikaw ang maiisip.

Hindi na ako lumuluha.
Hindi na ako malungkot.
Hindi na masakit.
Abot mata na ang ngiti.

At sa wakas mababawi kong muli ang aking sarili na naibigay sayo ng buo.
Pag dumating yong araw na yon taas noo ko ng sasabihin na "Hindi na kita mahal at hindi na muling mamahalin."

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon