Poem 48

345 2 0
                                    

Gusto Kita
Isinulat ni Jen

Sa bawat pagdaan ng araw.
Taglay nitong init ang siyang pumupukaw.
Sa mga bagay na nanlamig na.
Na hindi inakalang mag iinit pa.

Sa kabila ng nakakasilaw mong liwanag.
Mas pinili kong ito'y matitigan upang maging panatag.
Umaapaw ang taglay mong kagandahan.
Kahit hindi ka masyadong maaninag.

Tila ba isa kang araw sa'king paningin.
Masarap tanawin ngunit hanggang tingin.
Ang maaari kung igawad upang hindi na mapahamak.
Sa sinag na iyong taglay, nakasisilaw at nakabubulag.

Paano nga ba sasabihin?
Mga tatlong salitang nakabitin.
Sa 'king lalamunan at hindi maisalin.
Ng mga dila ko kahit ang pagsambit ay 'di parin.

Matagal ding inisip, maaari nga ba?
Maaari nga ba na sundin ang nararamdaman ng walang pangamba.
Ngunit sa likod ng mga tawa ko'y kaba.
Kaba na baka ako pa ang maging dahilan ng paglaho ng iyong mga tawa.

Gusto kong sabihin pero takot ang dilang sambitin.
Ang mga ninanais ng puso kong maisalin.
Sa mga salitang iyong ninanais.
Ninanais na marining mula sa akin.

Gusto kong gustohin, ngunit kung sa bawat "Gusto kita."
Ay nariyan ang "Pwede nga ba?"
Gusto kita, walang kaduda-duda.
Ngunit nariyan parin ang pangamba, pangambang masaktan lang kita.

Gusto kita, wala ng sasabihin pa.
Mas pipiliing manahimik na.
Para walang mag iba.
Sa pagitan nating dalawa.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon