Poem 77

128 0 0
                                    

Pilit
Isinulat ni Jen

Pinilit kong manatili kahit napakasakit.
Pinilit intindihin mga pagkukulang mo't galit.
Pinilit abutin ang 'yong mga kamay at kumapit.
Pinilit iwaksi ang isiping ikaw nalang pala'y pinipilit.

Sinisimulang isipin kung saan nagsimula itong pagpilit.
Ipagpilitan ang nararamdaman kahit masakit.
Ipagpilitan ang sarili na sa iyo'y idikit .
Upang maramdamang muli ang iyong init.

Ang init na dati'y nagningas na nauwi na lamang sa usok.
Hinayaang magpalamon sa damdaming mapusok.
Maluwag na tinanggap ang iyong pag-aamok.
Mga salita mong tila karayom na tumutusok.

Sa bawat dampi mo sa'kin na dati'y haplos ngayon ay suntok.
Sa bawat dampi ng 'yong labi na ngayon isang kamaong nagpaputok.
Nang mala-rosas kong labi na ngayo'y mala-ube gawa ng iyong halik.
Sa dating matamis na pakikipagniig ay napalitan ng pilit na pagtatalik.

Pilitin ko mang manatili sa'yong bisig.
Ngunit hindi ko na maramdaman ang iyong pag-ibig.
Pag-ibig na dati'y wagas at dalisay na para sa akin.
Ngayo'y tila ba lupa na unti-unti sa aki'y kumakain.

Lupang aking paghihimlayan.
Paghihimlayan ng wagas kong pagmamahal.
Pagmamahal na isinantabi mo lamang.
Hindi pinahalagahan at iningatan.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon