Hanggang dito na lang, Dahil
Isinulat ni JenHanggang dito na lang
Dahil ako'y tatawid na sa mundong aking kinabibilangan.
Hanggang dito na lang
Dahil ako'y lilisan na't pupunta sa lugar kung saan aking pagsisimulan.Hanggang dito na lang
Dahil iiwan ko na ang dating ako na muntik sumira ng aking pangarap.
Hanggang dito na lang
Dahil susubukang hanapin ang sarili kong nawawala.Hanggang dito na lang
Dahil ako'y bibitaw na sa pinanghahawakan kong maaari pa tayong dalawa.
Hanggang dito na lang
Dahil hindi na ako aasa sa pangako mong nilumot na.Hanggang dito na lang at di na lilingon pa
Sana sa aking paglisan aking mahal
Huwag mo ng tawagin ang aking pangalan
Baka mas naisin kong manatiling basag kaysa sa lumisang naghahanap.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?